Kuya Kem's Trivias on JuliElmo

704 6 3
                                    

Alam mo bang....

...sa Antipolo nakatira si Elmo kaya hindi sya isang Bulakenyo?

...binaliktad ang JuliElmo, bababa ang dugo nila sa ulo?

...hindi sila lilipat ng network dahil mahirap magkabisado ng bagong cellphone number?

...nasa Maynila si Julie buong September kaya hindi sya matatagpuan sa Cebu?

...ang aso ni Elmo ay hindi ngumingiyaw?

...ang kantang 'Deeper' ay malalim?

...no'ng kiniss ni Julie sa cheeks si Elmo habang kumakanta ng Got Your Back, isang linggong hindi naligo si Elmo? (Hahahaha!Char!)

...kapag natyempuhan mong naglolog-in si Elmo, malalaman mong ang password nya sa Twitter ay mga bilog na itim?

...kapag sinearch mo si Julie sa Google Images, pictures nya ang lalabas?

...ang 'Superbass' video ni Julie ay in-upload gamit ang internet?

...singer si Julie pero hindi nya kabisado ang national anthem ng South Korea?

...ayon sa pananaliksik, napatunayang wala talagang salad sa McDo?

...no'ng nagpunta sila sa LA, sumakay sila ng eroplano?

...kapag nakagraduate na si Julie...tatanggap sya ng diploma? XD

...no'ng nag-topless si Elmo sa JOS, wala syang pang-itaas na damit?

...ang nose-to-nose scene nila sa JOS ay isang matibay na patunay na may ilong sila?

...ang salamin sa pagitan nila sa kanilang kissing scene ay special effects lang? 

...na joke lang 'yong huling trivia?

~

Alam nyo bang kapag hindi nagkatuluyan si Julie at Elmo, e Magalona ang magiging apelido ko? Hahahahahahaha!Sige, push nyo na ko sa bangin. XDD

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon