WARNING: MAHABA.
Ilang araw na kong di pinapatulog ng idea ng May 30. Sa totoo lang, ayoko pa kasi ‘yon dumating. Ayoko pang mag-May 30 sa gantong panahon, kung kelan parang lagi nalang may issue, lagi nalang may mali, lagi nalang may nasasaktan, lagi nalang may gustong bumitaw, lagi nalang nakakahilo magbasa sa Twitter timeline. Lagi nalang na kapag may natapos na problema, laging ang iniisip mo kung ano naman kayang susunod. Na parang ‘yon nalang talaga ang pwedeng mangyari. Na wala na talagang puwang ang GV sa atin.
Ang daming nagsasabi, nakakamiss yong dati. Oo, totoo ‘yon. Nakakamiss talaga yong mga panahon na tawa lang ang sagot natin sa kung ano anong issue. Tawa lang. Tawa lang ng tawa. Tapos kapag Linggo, okay na ulit kasi may prod. Makita mo lang na magkasama yong dalawa, ayos na. Limot mo na lahat. Makabasa ka lang ng isang one shot na matindi, o kaya update sa paborito mong FF, okay ka na. Parang dati, ang dali daling maging masaya. Sa simpleng bagay o mga actions lang, solve ka na.
Pero siguro ganun talaga, nagbabago sila Julie at Elmo, kaya kasabay non, nagbabago din tayo. Sabi nga nila, pagbabago lang talaga ang constant sa mundo. Pero sana habang nagbabago, habang patuloy na dumadaan ang panahon, wag mong hayaan na pahinain ka ng mga pagbabago na ‘yon.
Sana habang nagbabago ang lahat, mas nagiging matatag ka rin, bilang fan at bilang tao.
3 taon. Parang ang hirap isipin kung paanong lumipas ng ganon kabilis ang lahat. Tatlong taon ng roller coaster ride na minsan(o madalas) mapapamura ka nalang kasi pakiramdam mo sobrang bilis, pakiramdam mo parang mali na puro nalang ikot ng ikot, pakiramdam mo parang hindi naman tumataas. Pero kahit may mga ganong moments, kahit hilong hilo ka na, kahit gusto mo na bumaba, kapag binibigyan ka na ng chance na umalis, ayaw mo pa din. Kasi kahit na nakakahilo, kapag nakita mo na ‘yong mga kasama mo na nahihilo na rin pero matindi pa rin ‘yong kapit, kapag nakikita mo ‘yong iba na hilong hilo na rin pero pinipili nalang tumawa ng tumawa, narerealize mo na ayaw mo na pala bumaba.
Kasi kahit na nakakahilo man, alam mong may kasama ka. Na hindi ka nagiisa, kasi hindi naman’to fandom kundi isang pamilya.
Julie and Elmo, salamat sa tatlong taon. Pucha, ilang beses na kong nagdadrama ng ganto na parang wala na ata akong masabi pa.Hahaha. Alam nyo na naman ‘yon, na nandito lang naman kaming lahat para sa inyo. Na kahit maraming pagbabago sa inyo at sa amin, hindi naman nawawala ‘yong suporta namin. May liwanag man o wala. Di ko na sasabihin na mahal namin kayo kasi redundant na. XD
PS.
Sabay sabay nating pangarapin ang sobrang liwanag ng 2016. Hihihihi.
JuliElmoe Solids. Pucha ulit. HAHAHAHA! Papangit nyong lahat. Oo, pangit nating lahat. Wala lang, para maiba naman. XD Tiisin natin ang sobrang lamig ng ref. Kung feeling nyo minsan parang masyado nang unfair ‘yong lamig, wag nyo nalang masyado indahin. Isipin nyo na sa lahat ng pinagdadaanan natin, dahilan ‘yon para lalo tayong maging solid. Para di tayo maging liquid or worst, gas.
At tandaan natin ang nagiisang rule: Ang ka-hot-an lang ni Elmo ang katangi tanging bagay na acceptable para matunaw tayo. HAHAHAHA!
Tatlong taon, siguro naman halos lahat kayo sanay na sa mga nobela kong chuchu na ganto kaya ayun, hindi na ko hihingi ng paumanhin. Kung may reklamo man kayo, well, sarilinin nyo nalang. Bwahahaha! Malay nyo naman, last ko na talaga ‘to.
Maraming salamat sa inyong lahat para sa tatlong taon.
#HappyInfiniTHREEJuliElmo
Love,
Claring.
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group