Dear Elmo,

238 4 0
                                    

Since naging honest ka nalang din naman sa pagsasabi sa'min na tigilan na namin ang pambabash kay Janine, pwede bang maging honest din ako sa'yo? Okay lang naman siguro no?

Pinipilit ko namang gawing logical ang isip ko. Pinipilit kong kumalma, huwag pumunta sa Twitter at maglabas ng sama ng loob. Alam ko kasing hindi naman mapapagtakpan ng isang mali ang isa pang pagkakamali. Pero alam mo, minsan kasi kahit anong pigil mo sa kamay mo, hindi mo naman mapipigil ang sarili mo na makaramdam.

Pasensya ka na Elmo, pero hindi ko napigil ang sarili ko na sumama ang loob.

No'ng nakita ko 'yong link ng interview mo sa Unang Hirit, ang una agad pumasok sa isip ko e baka spam lang 'yon. O kaya delayed na April Fool's joke. O kaya sensationalized na balita. Pero no'ng nalaman ko na totoo nga, natawa nalang ako. Of course, of course, plus points 'yon sa promo n'yo. (Sorry for the term, pero di ba sabi ko naman sayo magiging honest ako?). Syempre naman, sino ba naman ang hindi kikiligin sa'yo, e nagawa mo ngang sawayin ang fans ng dati mong loveteam na 'umaaway' sa bago mong kaloveteam. Of course, that statement adds drama to your supposedly off-cam romance with Janine. Of course, kami na naman ang lumabas na kontrabida.

Of course, masakit.

I wonder, ano kayang nararamdaman mo habang sinasabi mo 'yon? Buo ba 'yong sa loob mo? O part lang ng script n'yo? Nakaramdam ka ba ng guilt o hindi? Pero alam mo, kung ano pa man, wala na rin naman kaming magagawa kasi nasabi mo na. Nasabi mo na at nasaktan na kami.

Ang hiling ko nalang, sana nagbenefit sayo 'yong sinabi mo. Kahit papano, magiging masaya na rin ako. Sana may napala ka sa statement mo na 'yon, kahit kaunti, para naman may hustisya 'yong sakit na naramdaman namin. Sana napuri ka ng management, sana pagkatapos no'n, may nakuha kang kahit ano. Na hindi nauwi sa wala. Ang malaman na kahit papano nakatulong 'yon sa'yo ay nakakaalis ng sama ng loob.

Ang hiling ko nalang, sana sa kabila ng mga sinasabi mo, sana maisip mo rin na 'yong mga taong sinasabihan mo na itigil na ang pambabash, ay mismong mga tao rin na nabash dati dahil sayo. Sila rin yung mga taong namura na ng marami. Sila yung nalait na, nasaktan dahil pinagtatanggol ka. Sila 'yong tatlong taon na hindi bumitiw sa'yo kahit may mga pagkakataon na pakiramdam nila, ikaw mismo yung ayaw nang humawak sa kanila. Sila yung mga taong minahal ka kahit ang dami dami nang dahilan para tumigil.

Dati, alam mo, ang dami dami ko pang hiling. Sana matapos na ang VQ, sana bumalik na sa dati, sana nasa SAS ka, sana nagtwitwitter serye na ulit kayo ni Julie, sana may segment na ulit ayo sa SAS, sana may guestings ulit kayo together, sana bumalik na ang JuliElmo. Sana, sana, sana. Napakaraming sana,

Pero ngayon, ang simple nalang ng hiling ko. Na sana, masaya ka sa lahat ng nagiging desisyon mo. Na sana, sa gitna ng mga masasakit na salita mula sayo para samin, sana galing lang yon sa isip mo. Isip na naguutos ng tamang sabihin. Sana sa maliit na sulok ng puso mo, naniniwala ka pa rin samin. Nandoon pa rin kami.

Dahil alam mo, sa kabila ng masasakit na salitang nasasabi ko sayo kapag naiinis na ako, sa kabila ng paminsan minsan kong pagiging bias kay Julie, sa kabila ng paninisi ko sayo minsan, lagi pa rin akong naniniwala na ikaw pa rin yung Elmo na minahal ko sa loob ng mahigit tatlong taon. Sa isang sulok ng puso ko na nilaan ko para sa inyo ni Julie, hindi ka pa rin nawawala.

Nagmamahal sa'yo kahit ang sakit sakit na,

Claring.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon