*Kawawa ang Katawan mo- Magdikit lang ang mga braso nila, yung labi mo mababanat na sa sobrang ngiti. Magkatinginan lang, yung mga kamay mo kawawa kakapukpok sa any surface na mapagtripan mo. May tendency din na malagas ang ngipin mo kakakagat sa unan, at maubos ang buhok..ng katabi mo kakasabunot. HAHAHAHA. Pero pag si Elmo, dumamoveslikeJagger na..ay, ubos na pati pamato! Gulong everywhere and everyday! Sa sahig, sa kama, sa sofa, sa lupa, sa alapaap (charot! Haha) Pwede mo rin dagdagan ng kendeng, split, dougie, macarena o kahit sayaw darling. Dowhachawant!
*Ang imahinasyon, kung saan saan mapupunta- dahil nga sa kilig na walang kapantay, mangangarap ka ng wala sa oras. Ang imagination mo, maglalakbay sa dako paroon. Mga eksena na pang-telenobela at music video na akala mo malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig maganap sa tunay na buhay. Pero ayun, makita mo nalang, may screencaps pa! O.O WINDANG! At lalala ng lalala ang sitwasyon mo hanggang sa...FF Writer ka na! Yehey! Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas! *saboy ng gawgaw*
*Ikaw ang pangunahing magiging tagakonsumo ng Meralco sa inyo. Internet sa umaga, gabi, meryenda, pati midnight snacks. Maghuhuramentado ka pa kapag naistorbo. No wonder, isang araw, itatakwil ka na ng pamilya mo. Hoho.*knock on wood* ^.^
*Once you're in, there's no way out. Walang uwian, walang ayawan! Walang taympers! *tawa katulad nung mga rapist sa pelikula ni FPJ* HAHAHA. Para kang pumasok sa maze na walang fire exit.
Hindi mo sila dapat magustuhan LANG. Mahalin mo sila, nang BUONG BUO. Walang wanport o wanhap.Walang tingi, o kaya utang. Wag dumepende sa lagay ng panahon, sa takbo ng teleseryeng pinapanood mo o sa level mo sa Tetris. Bipolar lang dre? Hahahahaha.
It will be a one hell of a ride for you, but you'll enjoy every minute of it. Julie and Elmo will assure you of that. Kaya tara na, byahe tayo! C'mon vamonos! XD
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group