Alas-tres ng madaling araw, sa gitna ng paglalaro nya ng Temple Run sa iPad nya, tumunog ang cellphone nya na nagsasabing may isang mensaheng dumating. Wala naman talaga syang balak basahin, alam nyang kung hindi mga di-kilalang number, si Kris, si Derrick, si Jhake o si Alden lang naman ang magsasayang ng oras na itext sya para lang mang-asar. Hinayaan lang nya ang cellphone at nagconcentrate sa nilalaro. Pagkaraan ng ilang minuto, nakita nya sa peripheral view nya na umilaw na naman ng iPhone nya. Napapailing nya hininto nya ang ginagawa at padabog na kinuha ang aparato. Nagulat sya nang makita kung sino ang nagtext.
"Julie?" agad nyang binuksan ang icon na envelope. Limang salita ang rumehistro.
Moe, are you free tomorrow?
Hindi nya maiwasang magtaka. Una, bibihirang pagkakataon na gising pa ang dalaga ng ganitong oras. Pangalawa, ni minsan hindi pa nagtanong si Julie ng ganitong klaseng tanong, o madalang pa sa patak ng ulan na maunang magtext ang dalaga sa kanya. Laging sya ang nauuna. Naaalala pa nya 'yong mga pagkakataon na tinatadtad nya ng text ang dalaga, 'yong tipo na kahit "Hehehe.." nalang ang reply nito ay pinipilit pa rin nyang pahabain ang usapan. Wala lang. He have been like that since the beginning. He always like to have conversations with her. Si Julie kasi 'yong tipo ng babae na hindi katulad ng iba. They always talk about food, movies, books, TV shows, cartoon characters and of course, music. Mga bagay na halos wala pa yata sa isang porsyento ng mga babae ang gustong pag-usapan. Girls always love to talk about clothes, accesories, fashion, travel spots, parties to go to..but they hate to talk about things they don't have interest in.
At nagtaka sya, walang smiley ang text ng dalaga. And Julie's text without any emoticon only means one thing: Trouble.
--------------------------------------------------------------------------
Moe, can we talk tomorrow?
Ito ang unang beses na nagtext sa kanya si Julie. Never itong nauna na magtext sa kanya. Laging sya ang nangungulit dito. Which he loves doing anyway.
Agad nyang nireplyan ang dalaga. Tinanong nya kung saan sila maguusap at kung anong oras.
"After reh, do'n nalang sa dati."
Napangiti sya sa nabasa. Di alam ng marami, may special place silang pinupuntahan lagi ni Julie. Malapit lang 'yon sa GMA. Wala namang magaakala na kakain sila do'n dahil isa lang 'yong maliit na karenderya. Actually, si Julie ang unang nagdala sa kanya do'n. Nagulat sya dahil kaibigan ng dalaga ang matandang may-ari na si Aling Celeste. Halos wala na ring kumakain sa lugar dahil natabunan na ito sa mata ng marami ng napakaraming food establishments. Pero hindi naman naisip ng matandang may-ari na isara ang tindahan dahil sa isang suki na laging nagpupunta don, isang dalaga na laging kinakantahan ang may-ari. Isang dalaga na sa kabila ng kasikatan, sa mga maliliit na bagay pa rin nakakahanap ng dahilan para sumaya.
Hindi mahirap i-please si Julie. Hiritan mo lang ito ng korning joke, agad agad na itong tatawa. Mababaw din ang luha nito. Nang minsang regaluhan nya ito ng libro ni Bob Ong, umiiyak na niyakap sya ng dalaga. Lahat daw kasi ng pinuntahan nitong bookstore, ubos na ang kopya ng libro. Nang minsang manood sila ng A Walk to Remember sa mumurahing DVD player ng matandang may-ari ng tindahan, naubos ang tissue na dala nya dahil sa pag-iyak ng dalaga. Nang minsang sila naman ang kantahan ni Alind Celeste ng kundiman, nakita nyang pinahid ng dalaga ang mga luha habang masayang pumapalakpak.
Hindi mahirap i-please si Julie, kaya hindi rin ito mahirap mahalin.
Natatawa sya nang pagdating nya sa tindahan ay nakita na nya ang likod ng dalaga. Kausap nito si Aling Celeste. Late na naman sya. Pero napakunot noo sya nang makitang seryoso ang mukha ng dalawa. Hindi namalayan ng mga ito na dumating na sya.
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group