Tiningnan n'ya ang lalaki sa tabi n'ya habang abala ito sa pagtetext. Minasdan n'ya ang mukha nito sa anggulong nakikita n'ya. Ang perpektong hugis ng kilay nito, ang makinis na pisngi, ang matangos na ilong, at mapulang mga labi. Napangiti s'ya.
Marahil ay naramdaman nito na may nakatitig dito kaya't napalingon ito sa kan'ya. Ngumiti ito sa kan'ya.
"Nagugutom ka na ba?" tanong n'ya rito.
"Uh no, I'm okay. I'll be dining out tonight,so..you? You have to eat." sabi nito sa kan'ya.
"Ah, hindi. Okay lang. Dining out? With whom?"
"With her."
Nakakaintinding tumango s'ya. Dapat masanay na s'ya. She can't alter reality.
---------
Nagmamadali ang mga lakad n'ya. Late na s'ya. Lagot na naman s'ya sa babae. Pagdating n'ya sa tagpuan ay nakahinga s'ya ng maluwag. Nakangiti lang itong sumalubong sa kan'ya. Ganoon naman lagi ito kahit na lagi n'yang nagkakamali dito, ngingiti lang ng matamis sa kan'ya at susuntukin s'ya ng marahan.
"Sorry."
"It's okay. Umorder na ko, okay lang naman sa'yo kasi nalate ka di ba?"
Natawa s'ya. Lumingon lingon s'ya sa paligid, looking for those dangerous predators.
"Walang press dito. Nacheck ko na." natatawang sabi nito.
Tahimik sila kumain at panaka-nakang nagkwentuhan.
"So how is she?"
"I think she's fine. We seldom talk anymore so I can't really answer you."
"I hope she's fine after what happened.." sabi ng babae sa kan'ya.
"She will be. She's strong." sagot n'ya.
"Mabait pa naman s'ya no? And she's funny. She deserve to be happy. Hmm..honestly, hindi mo ba naramdaman na parang nafafall sya sayo?" walang bahid ng kung ano sa boses ng dalaga. Purong curiosity.
"Honestly? There were times. But I have to remind her that it's pure business. Pure work. And maybe it's just because she's lonely."
"Nalulungkot ako para sa kan'ya. You know what? Every woman deserves a man who will love her no matter what it costs him.."
Tahimik n'ya lang tiningnan ang babae.
"Thank you for being that man for me, Elmo." nakangiting sabi nito.
"I will never get tired being your man, Julie. Never."
-------------
Oooops! Akala nyo si J ang bida no? Si J kaya! Hahahahahahahahahaha! *insert Maling Akala mp3*
Hi naman sa 55 new members ng group. Naku, bakit kayo nandito. Magsisisi kayo. Bwahahahahaha. Joke.
Sa 3,577 na luma hi din. Inugat na tayo rito, ano na? Hahahahahaha.
Kay Julie at Elmo, ano na rin? NakngSiopaPalamanPusa naman oh, anong petsa na? Oo alam ko, Feb 25 2014 na, may kalendaryo naman kami, pero my point is, pwede bang ano, yung ano, ano na, anuhin nyo na? Anong ano na kami oh. Okay? Labyubye.
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group