November 30 2013

438 4 0
                                    

When you’re lost in love, you never wanna be found.

No’ng bata pa s’ya, pangarap n’ya maligaw sa gubat. Gusto n’ya maranasan na ‘yong pakiramdam na hindi na n’ya alam kung nasaan na s’ya. Pakiramdam n’ya kasi, ‘yon ‘yong mga pagkakataon sa buhay kung saan malaki ang tsansa na makadiskubre s’ya ng hindi n’ya inaasahan. Naniniwala kasi n’ya na sa mga panahon na naghahanap tayo ng daan palabas sa pagkaligaw, bibigyan tayo ng kapalaran ng dahilan para hindi na tayo umalis. O kung umalis man tayo, may babaunin tayong bagay o ala-ala.

Pwede ring tao.

At kasalukuyan n’yang naglalakad papasok sa isang gubat. Maraming tao ang nasa paligid n’ya pero nakatuon ang paningin n’ya sa malayo, sa dulo, sa taong naghihintay sa kan’ya. Alam n’yang simula sa araw na ‘to, araw araw s’yang maliligaw, pero araw araw s’yang bibigyan ng Diyos ng dahilan para hindi s’ya mapagod.

“Julie..I don’t…I don’t know what to say.” natawa ang mga tao sa loob ng napakagandang simbahan na ‘yon. Naadornohan ng mga halaman,mga bulaklak, mga sanga ng kahoy at iba’t ibang kumikislap na mga bato. Tila isang modernong kagubatan.

“Thank you. Thank you for coming into my life. Thank you for giving me reasons to wake up everyday and look forward in living my life with all the shits—“ natawa muli ang tao nang takpan ni Julie ang bibig ng binata. “Okay, all those bad things and good things.”

“But most of all, thank you for leaving me nine years ago when I thought you’ll never do it. Because the times when I’m not with you? Those were the times when I realized how hard it is for me to live without you. I love you, baby. Thank you for marrying me.” Nagpalakpakan ang mga tao.

Hawak ni Julie ang mic pero hindi ito nagsasalita. Tinitingnan lang nito ang mukha ng lalaking kaharap n’ya.

“Elmo..Alam mo bang ayoko ng number 30?” simula n’ya. Nanatili lang nakatingin sa kan’ya si Elmo.

“Parang ang meaning kasi sa sa akin no’n e ‘ending’. Katapusan. Di ba nga kinsena’s katapusan ang sweldo? 15/30. Ay, hindi mo nga pala alam ‘yon kasi rich kid ka.” Natawa na naman ang mga tao.

“Basta, ayoko ng 30 dati. Parang ang negative ng dating sa akin no’n. Hanggang nong May 30, twelve years ago, dumating ka sa buhay ko. I learned to appreciate the number while appreciating your presence in my life. Narealize ko na ang 30, hindi lang sya ‘ending’. Pwede rin s’yang magbigay ng ‘beginning’ sa atin.”

“Ah, that’s why you chose 30 as our wedding date huh?” nakangiting sabi ni Elmo. That day was November 30 2022.

“Pwede na din. Hahaha. Pero may sasabihin akong sikreto sa’yo, wag mo pagkakalat sa kanila..”

Aliw na aliw ang mga tao sa kakaibang pagpapalitan ng wedding vows ng ikakasal.

“Sure.”

“Ngayong araw na ‘to, November 30, nabago na ang meaning no’ng number sa akin..”

“Why?” tanong ni Elmo.

“Looking at you from this moment, I don’t see neither ‘ending’ nor ‘beginning’.."

Minasdan ni Julie ang kaharap, na naluluha na no'ng mga oras na 'yon.

"..because right now, I’m looking at my forever. I love you Elmo. Marrying you will always be my best decision.”

~~~

Happy JuliElmo day everyone. Let's wait for the day that the two of them will vow to each other that their love will never fail them.

But for now, let our love for them do it. We will never fail them, right? 

Love,

Claring.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon