Puno ng tensyon ng bahay ng mga Magalona. Sa isang sulok ay umiiyak sila Max, Saab at Clara. Si Frank ay nakakuyom ang kamao na nakatanaw sa labas ng bintana hanggang sa di nito napigilan na suntukin ang pader. Si Arkin ay yakap yakap ni Pia habang umiiyak. At si Julie, tahimik na nakaupo sa isang tabi at nagdarasal. Maririnig sa TV ang kasalukuyang balita, si Elmo Magalona, dalawang araw nang nawawala. Malakas ang hinala ng mga pulis na nakidnap ito.
Binasag ang katahimikan ng tunog ng telepono.
Pia: Hello?
Caller: Nasa akin ang anak mo. *maririnig sa background ang mga sigaw ni Elmo*
Pia: No! Elmo! Pakawalan mo sya! What do you want from us?!
Caller: Ibigay mo ang telepono kay Ms. Julie Anne San Jose.
Pia: Si Julie?
Caller: Ngayon na. *maririnig pa rin background ang mga sigaw ni Elmo*
Kitang kita ang takot sa mga mata ng lahat. Inabot ng ginang ang telepono sa dalaga.
Julie: H-hello?
Caller: Hmmm. Ms. San Jose. Pati sa telepono, ang ganda ng boses mo. *malisyosong tawa*
Julie: Anong kailangan mo sakin? Pakawalan mo si Elmo!
Caller: Paano kung sabihin kong ikaw ang kailangan ko?
Elmo(sa background): No! Don't do anything to Julie! Bastard!
Caller: Bwahahaha! Naririnig mo ba sya Julie Anne? Pero dahil mabait naman ako at type kita, sige. Ikaw ang magbigay ng gusto mong iransom para sa boyfriend mo.
Julie: Five hundred thousand.
Caller: Ha? Masyadong maliit na halaga ang five hundred thousand! Kailangan may milyon!
Julie: Sige, kalahating milyon.
Caller: Yan. Mabuti. Deal.
Julie: BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Caller: ?
----
Ang witty ni Julie. Ang bobo no'ng kidnapper. At ang korni ko. Nyahahahahaha! Sige, pwede na kayo umiyak. XDDD
Handog ko ito para sa 4x platinum ni Julie. Magreklamo, maheheart broken ng 10 years. *evil laugh*
#AkalaMoOneShotSabawNaJokePala
#Happy4XPlatinumJulieAnneSanJose
#HappyKamiSaAbsMoElmoMagalona
#KlarisaBananaFor1M
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group