"Happy Birthday Julie.." mahina n'yang basa sa text message ni Maqui no'ng umaga na 'yon. Napakunot noo s'ya. Imposible namang na-wrong send ito sa kan'ya, pero mas imposibleng makalimutan nito na May 17 pa ang birthday n'ya at hindi January 30.
Nagsisimula na syang magtype ng reply nang mapatigil s'ya. January 30. 30. Oo nga pala, 30 nga pala ngayon. Napangiti sya ng mapait. 30 used to be a special date for her.
How she wished that until now, it is. But with everything that's happening right now, she's not sure anymore.
"Thank you Maq." simple n'yang reply dito. Ilang minuto lang ay nagreply muli ito.
"So, what's your birthday wish? "
Saglit s'yang tumingin sa kawalan.
"Something tangible to grasp, I think." sagot n'ya.
Few seconds after, her phone started ringing. It's Maqui. She put it on her bedside table and chose to go back to bed.
What's the use of trying to pretend it's a happy day, when in fact, it's not?
-------------------------------------------------
"Stop it, Julie." seryosong sabi ni Elmo sa kanya. Tinitigan n'ya ito. Magulo ang buhok, lukot ang damit, at kitang kita ang itim sa paligid ng mga mata nito dulot ng kakulangan sa tulog. Alam n'yang dito dumiretso ang lalaki matapos ang taping nito.
There's an overwhelming guilt engulfing her. She's trying to fight it, but it's too strong, it's choking her.
"Stop what?"
"Stop that smile." kitang kita n'ya ang pagod sa mukha nito.
"Ayoko nga." mas lalo pa nyang nilaparan ang peke nyang ngiti.
"Stop."
"No."
"Stop." mas madiin nitong sabi.
"No--"
"That's it. I'm leaving." sabi nito habang tumatayo.
"Finally." sabi n'ya. Marahas itong lumingon. "What?!"
"Hinihintay ko talagang gawin mo 'yan."
"Julie--"
"Alam ko naman na dyan mauuwi ang lahat eh. Oo, magpapasensya ka sa una. Pasensya, pasensya, pasensya, pero sa huli? Mapapagod ka rin. Aalis ka rin." blangko lang ang tingin nya sa malayo habang nagsasalita.
"Tell me, is there any problem Julie?"
"Problema? Tayo? Wala!"
"Can you please stop being like that and tell me the real problem here?!" napaatras sya sa biglaang pagtataas ng boses ng binata. Hinagod nito ang buhok at naupo. Halo ang pagsisisi at galit ang nakalarawan sa mukha nito.
"Alam mo kung anong problema, Elmo? Lahat. Ikaw, dahil pilit mong tinatakbuhan 'yong realidad na masyado nang komplikado ang lahat satin ngayon. You're acting like there's nothing wrong! But there is! Napakarami, nakakasakal na! Ako, dahil hindi ko kayang gawin 'yong ginagawa mo. Hindi ko kayang magpakaselfish, na unahin 'yong kaligayahan ko habang nakikita kang nahihirapan. Sila, kasi kinulong na nila tayo sa konsepto nila kung sino tayo! They're expecting me to do this, expecting you to do this, because they think it's the right thing to do. Pero nasaan na tayo Elmo? Nasaan ka na? Nasaan na ako sa lahat nang 'to?" gigil nyang pinahid ang kumakawalang mga luha.
"What we have is real, Julie."
"Hindi ko na 'yon makita Elmo. Hindi ko na mahanap 'yong 'tayo' sa lahat ng 'to."
Mahabang sandali ang lumipas. Tanging mga hikbi nya ang maririnig, ang mga sasakyang dumadaan, ang katahimikan ng gabi.
"I'm sorry, Julie."
"I'm sorry, too." nagsimula na namang umalpas ang mga luha. Minasdan nya ang mukha nito. Ang mga mata nitong puno ng lungkot. She's starting to miss him, even if he's still within her reach.
"I'll be back. Promise--"
"Ssshh. No promises. Nandito lang ako. Kapag bumalik ka, nandito lang ako. Kapag hindi, nandito lang ako, dito ko bubuuin ang sarili ko."
--------------------------------------------
July 30 2016
Pagod na bumaba sya ng kotse. Masyadong naging mahaba ang araw nya dahil wala ang driver nila at nasa out-of-town ang mama't papa nya. Nagkasakit din ang RM nya kaya sya halos ang umasikaso ng sarili nya sa araw na 'yon.
"Joanna? Jac?" tanong nya habang sinasara ang main door. Patay ang lahat ng ilaw maski sa second floor ng bahay. Ginamit nya ang cellphone para hanapin ang switch. Pero bago pa man, may nagbukas na nito.
Tumugtog ang isang kan'ta. Happy Birthday.
Tulalang tiningnan nya ang pagkain sa mesa para sa pandalawang tao, isang cake, at ang tao sa tabi ng switch.
"Alden?"
A/N: Hahahahahhahaha! Joke lang. Okay, take two.
Tulalang tiningnan nya ang pagkain sa mesa para sa pandalawang tao, isang cake, at ang tao sa tabi ng switch.
"Elmo?"
"Hi Julie."
Dahan dahan syang lumapit dito. Ang tagal na nilang hindi nagkita. Matapos ang naging paguusap nila ay bigla nalang nyang nalaman na umalis na ito ng bansa dahil sa isang offer na binigay ng isang Indonesian recording company. Pumasok din ito sa mundo ng teatro.
Of course, she still lurks in his accounts and update herself on what's happening on him. Once in a while, they send each other messages, but only casual, trivial ones. She missed him.
"Kelan ka pa dumating?"
"This afternoon." nakangiting sabi nito.
"Dito ka agad dumiretso?" tumango ito.
"Ayan ka na naman eh."
"Happy birthday Julie."
Hindi na nya kinailangang tumingin sa kalendaryo para malaman na 'birthday' nya ngayon. In fact she's been counting the days since that night. It has been 30 months.
"Happy birthday din, Elmo. 30 months na pala simula nong huling 'birthday' na magkasama tayo no?"
"30 months, 3 hours, 10 minutes and," saglit itong tumingin sa relo. "16 seconds"
Natawa sya ng malakas.
"So you're back..for real?
"When it comes to you, I'm always real, Julie."
There's an overwhelming sense of happiness in the pit of her stomach. She wants to cry but she can't. She's too happy to shed any tear.
"You're still here, huh? You never left?"
"Nandito ako most of the time, pero umaalis din namana ko minsan no! CR break." biro nya dito na ikinatawa naman nito. Lumapit ito sa kanya, niyakap sya ng sobrang higpit.
"God, I miss you Julie."
"Lorde, I miss you too, Elmo." nakangisi nyang sabi habang yakap ito. umalog alog ang balikat nito kakatawa sa kanya.
Kumalas ito ng yakap. Tinitigan sya. Minasdan nya rin ito. No more sadness in his eyes, but something else. Something not physical, but tangible enough she can almost grasp it. Invisible yet invincible.
"Will you stay for another 30 months?" tanong nya rito.
"I'll stay until we reach the closest 30th to forever."
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group