Presscon (One Shot)

339 3 0
                                    

"Elmo, if ever na mabigyan ka ng chance, would you court Janine?"

Naghanda man, nabigla pa rin si Elmo sa tahasang tanong ng isa sa mga members ng press sa kan'ya. Natigilan s'ya, saglit na naglaho ang ngiti, at tumingin kay Janine. Nakita n'ya ang mensaheng gustong iparating nito sa pamamagitan ng mga mata. 

Nginitian n'ya ito, humarap muli sa mga press, at sumagot.

"I will."

And he inwardly cursed himself.

*******************

"Elmo, hindi mo dapat sinabi 'yon.." seryosong sabi sa kan'ya ni Janine nang maabutan s'ya nito sa dressing room.

"You know that's the best answer I could give,"

"But it is not your most honest one," anito. Napabuntong hininga s'ya. Ngayon pa lang ay alam n'yang magiging mahaba ang mga susunod na araw para sa kan'ya. 

***********************

Walang goodmorning text messages. Hindi sumasagot sa mga tawag at DM. Tama ang hinala n'ya, magtatampo ang dalaga sa kan'ya. Mukha ngang hindi tampo, kundi galit. Pero hindi naman n'ya ito masisi. Maski s'ya ay naiinis na rin sa sarili n'ya.

He decided to talk to the best person he could run to.

Seryoso ito habang nagkakape sa isang sulok ng paborito nitong restaurant nang abutan n'ya. Lumapit s'ya dito at nagmano.

"Thank you for coming, Tito." sabi n'ya rito.

"Ano na namang ginawa mo sa dalaga ko, Elmo?" iyon agad ang bungad ng lalaki sa kan'ya. Napayuko s'ya.

"How is she?"

"Aba, e di ayun. Walang gana sa pagkain. Laging nakakulong sa kwarto. Nag-away na naman ba kayo?"

"Nabasa nya po siguro 'yong sagot ko sa isang presscon," sagot nya.

"Ano bang sinabi mo?"

"That I will court Janine.."

Natakot s'ya nang marahas nitong ibagsak ang tasa.

"But Tito, 'yon po ang sabi ng management sa'kin.." nakita naman n'ya ang agad nitong pagkalma.

Mahabang katahimikan ang dumaan.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kita nyo? Masasaktan nyo ang isa't isa. Nong nakaraan lang, kami ang sumuyo sayo dahil nagseselos ka kay Kris, tapos ngayon, sya naman ang nagkakaron ng problema.."

Di sya makatingin ng diretso sa ama ng dalaga.

"Ako Elmo, bilang lalaki, naiintindihan kita. Alam ko ang trabaho mo. Alam kong kailangan mo yang gawin. Ilang taon na rin naman si Julie sa showbiz kaya alam ko na rin ang pasikot sikot dyan. Pero bilang ama, hindi ko mapigilang magalala dahil sa nakikita kong epekto ng mga nangyayari sa anak ko. Alam kong tapat ka sa kan'ya, at marami na rin naman tayong napagkasunduan. Wala akong duda sa'yo, pero kapag gan'to, hindi ko alam kung tama bang pinayagan ko kayong dalawa.."

"Sorry tito. I'm really sorry. If only I could tell the world how much she means to me, but I really can't.."

"Gusto mo bang sumama sa bahay?" tanong nito sa kanya.

************************

Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto. Sinilip nya ang dalaga. Nakaupo ito sa study table. Nilapitan n'ya ito, akala n'ya ay nagsusulat o nagbabasa. May notebook sa tapat nito, basa. Umiiyak ang dalaga.

"I'm sorry.."

"Gulat itong lumingon sa kanya. Agad itong nagpahid ng luha at tumayo.

"Anong ginagawa mo dito, Elmo?"

"I'm sorry.."

Tinitigan sya nito. Maya maya ay nanubig na naman ang mga mata nito. Nilapitan nya ito at niyakap. Inakay nya ito paupo sa kama.

"Sshhh..I'm sorry baby.."

"Ikaw kasi eh.." Parang bata itong humihikbi sa espasyo ng leeg n'ya. Hindi nya mapigilang mapangiti.

"Are you mad at me?"

Umayos ito ng upo at tinitigan s'ya. "No'ng una."

Napayuko s'ya.

"Ang sakit kasi eh. Alam mo yon. Tipong oo, alam ko hindi totoo, pero kasi 'yong sakit, may kasamang inggit. Bakit 'yong totoo pa 'yong kailangan masakripisyo?"

Tahimik lang sya habang nagsasalita ito.

"Natatakot ako, baka isang araw, 'yong akala ko hindi totoo, totoo na pala."

"That would never ever happen, Julie."

"Hindi tayo makakasigurado.."

"We can. You know me Julie. You know how much we've been to. We had our own shares of ups and downs, you gave up on me for how many times already, but I never allowed us to part ways. Because it's always you. No one else did. No one else will."

"Kung sana kaya rin nating maging ganito ka-honest sa mundo." Malungkot na sabi nito sa kanya.

Hinapit nya ito ay niyakap.

"We can. In our own ways."

*****************************

"Elmo, if ever na mabigyan ka ng chance, would you court Janine?"

Tumingin sya kay Janine. Nakita n'ya ang mensaheng gustong iparating nito sa pamamagitan ng mga mata. 

Nginitian n'ya ito, humarap muli sa mga press, at sumagot.

"I will.If I can." makahulugan n'yang sagot.

"What do you mean 'If you can?'"

"Right now, I can't."

Umugong ang bulung-bulungang sa loob ng kwarto.

"Dahil ba sa napapabalitang boyfriend ni Janine?"

"No. It's because someone very special to me will get mad if I will." natatawa n'yang sabi.

"Si Julie Anne San Jose ba ang tinutukoy mo?"

Sinagot n'ya ang tanong ng alam nyang hindi man diretso, ay agad namang makukuha ng mga ito.

Ngumiti sya.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon