Four

3.6K 92 5
                                    

JB'S POV

Hindi ko maintindihan kung bakit pilit syang lumalapit saken.

Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sa kanya. Sigurado kasing hanggang ngayon ay hindi sya tinitigilan ng media. Gusto ko mang ibrodcast sa buong mundo na hindi totoo lahat nang sinabi ko sa kasal ko para narin sa kapakanan nung babae, ang problema ay hindi pa pwede.

Well I felt guilty, but I didn't expect her to came to me at panindigan na buntis sya lalo na sa harapan ng Got7.

Sabagay, kung nagawa nga nyang pigilan ang kasal ko e.

Tsk! Nagkamali ata ako sa desisyon ko. Mukhang may sayad pa ang babaeng ginamit ko.

Hindi ko kasi naisip na guguluhin pa nya ako.

Mag aapologize nalang siguro ako at sasabihin na sa kanya na biro lang ang lahat.

"JB, bakit hindi mo nalang isinama dito ang girlfriend mo? Gusto pa naman namin syang makilala." Si Jackson na iniwan na ang pangtitrip kay Yugyeom at saken naman lumapit.

"Oo nga. Kawawa naman. Iniwan mo sa labas." Si Bambam.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa inaamin sa kanila ang totoo. Wala pa kasing pwedeng ibang makaalam dahil kapag nakarating sa parents ko na hindi totoong buntis yung babae ay ipipilit nilang ituloy ang kasal namin ni Na Eun.

Na Eun's parents are my Mom and Dad's close friends. Business partners din sila kaya naman gusto nilang kami ang magkatuluyan.

Isa pang dahilan ay tutol ang mga magulang ko sa pagsali ko sa Got7. Gusto nila na magfocus ako sa business. At alam kong gagamitin nila ang kasal para hindi ako matanggap ng fans at mapilitang iwan ang grupo.

Ilang araw na akong mainit sa media at dumarami na rin ang bashers. Pero salamat parin dahil maraming ahgase ang tanggap ang pagkakaroon ko ng girlfriend na akala nila ay buntis.

Hindi naman talaga pagiging Idol ang dahilan kung bakit ako umatras sa kasal. Hindi ko lang talaga gustong itali ang sarili ko sa taong hindi ko mahal. Lalo na at may totoo na'kong minamahal.

Hindi ko na pinansin ang tanong nila Jackson at Bambam nang makita kung sino ang pumasok sa pintuan nang training room.

Si Jinyoung, kasama ang girlfriend ko daw.

Anong ginagawa nya dito?

"Bakit mo iniwan ang girlfriend mo sa labas?!" Medyo inis ang tonong tanong ni Jinyoung.

"U-hm!" Yung babae na inagaw ang atensyon namin. "Hello Got7! Ang gagwapo nyo naman sa personal! Fan nyo ko! Ahgase ako e! Solid!" Nakangiti at malakas na sabi nya na parang manghang-mangha pa na makita kami.

Mukha talaga syang may sayad. Ayst!

"Sa personal lang ba kami gwapo?" Si Jackson habang ipinapakita pang may abs sya.

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon