Twelve

2.7K 73 8
                                    

Your POV (Mik Mik)

Maaga akong gumising.

Kelangan ko nang gawin ang oplan pagiging real fan ko.

Oplan Pagsisilbihan ko sila :D

1. Ipagluluto ko ang Got7 :)

Hindi ako marunong magluto pero sa tulong ni Google ay may nahanap akong recipe. Mukha namang madali lang syang gayahin kaya keri ko to'.

Ang menu ko ngayon ay Kimchi stew. Syempre! Paborito yun ng myloves ko. Hehehe ^_^

"Teka, pano nga dapat ang gupit nito?" Tanong ko sa sarili ko habang hawak ang kimchi.

"What are you doing?" Tanong ni JB na nasa likuran ko na pala. Medyo nagulat pa ako dito.

Lagi na lang syang sumusulpot basta basta. Para syang kabute. Pati sa puso ko sumulpot sya. Yieeeeee!

"Nagluluto ako ng kimchi jiggae." Proud pa na sagot ko.

"Marunong ka bang magluto? Sabagay, masarap nga pala yung dinala mo nun samin sa practice room."

Bigla kong naalala yung binili ko sa karinderya.

"Hm, hindi talaga ako ang nagluto nun. Hehe"

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko pero agad napalitan yun ng pagpapanic.

"Hey! Watch out!" Sigaw nya.

Ako naman ay napasigaw nang makitang nag aapoy ang isang kawali na nilagyan ko nga pala ng mantika.

Mabilis nya yung napigilan. Pero muli syang nagpanic ng maamoy ang tila nasusunog na niluluto.

Ito bang niluluto ko yun?

"Hala!" Nagpanic na rin ako nang makitang nasusunog na ang pinagsama-samang anchovies, daikon, green onion roots, and dried kelp na nilagay ko na sa sauce pan na ngayon ay nakasalang at nilalagyan ko ng kimchi.

"What the!"

Mabilis nya iyong tinanggal sa stove at nagsalang ng panibago.

"Sorry JB. Ang totoo kasi, hindi talaga ako marunong magluto nyan."

Halos magsalubong na ang kilay nya at pumikit na ang mga matang tumingin sya saken.

"Tss, ano pa bang totoo sayo?" Sabi nya pagkatapos ay inagaw saken ang sandok at sya na ang nagsimulang nagluto.

Anong sinabi nya?!!!

"Grabe ka naman magsalita! Sino bang nagsabing magpanggap akong bu-"

Nagulat ako sa ginawa nya na nakapagpaputol sa sasabihin ko. Hinila nya ako at isinandal sa pader habang ang daliri nya ay nakaharang sa mga labi ko kung saan nakalapat ang mga labi nya.

Kung may makakakita samin ngayon ay iisiping nagkikiss kami.

Eoooommaaaaaaa!!!!!!!!

Medyo inilayo nya ang mukha nya saken kaya nagawa kong magsalita.

Naninigas ang buong katawan ko pero kaya ko pa naman magsalita.

"A-anong ginagawa mo?" Mahinang tanong ko.

"Watch your mouth Miss. Yugyeom almost heard that." Inis na sabi nya bago lumayo saken at bumalik sa niluluto nya.

Saka ko naman napansin si Yugyeom na nasa pinto ng kusina at parang nabigla sa nakita.

"Good morning Yugyeom." Bati ko dito kahit na parang nawalan ako ng energy at sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

2. Ipaglilinis ko ng dorm ang Got7. (One of my dreams)

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon