Five

3.4K 93 5
                                    

YOUR POV (Mik-Mik)

"Ang totoo, ninong kayong lahat ng magiging baby namin." Malakas na sabi ni JB na nakapag paputol sa sasabihin ko.

Nakangiti pa ito.

Anong sinabi nya?? Ninong?

Ninong nino???

"Pero JB..." Magsasalita sana ako pero agad syang umupo sa tabi ko at pinisil ang kamay ko na parang nagbababala.

Ano ba JB myloves! Wag mong pisilin yan! Three days ko nang di hinuhugasan yan. Wag mong gawing 1 month. Weg ke nge!!!

"Bakit kayo lang ang kumakain?!" Sabi nito sa mga kamembers nya at saka kumuha narin ng pagkain nya.

"Di ba sasabihin natin na..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla nya akong sinubuan ng maraming kanin.

Sana manlang sinamahan mo ng ulam. -_-

"Kumain ng marami Mommy, para malusog si baby." Sabi pa nito na may halong tono.

Hinimas nya yung tyan ko at idinikit ang mukha sa tenga ko.

"Wag ka munang magsalita dyan, naintindihan mo?" Bulong nito. Pagkatapos ay muling kumuha ng kanin at pinuno ulet ang bibig ko.

"Samahan mo naman ng ulam." Nagawa ko pang sabihin kahit na puno ang bibig ko at sinunod naman nito.

Nakangiti parin sya sa lahat.

Anong nangyayari sa my loves ko??

"Ang sweet naman nila!" Kinikilig pang sabi ni Jackson pagkatapos ay sinubuan din si Mark at ikiniss pa ang pisngi nito.

Buti pa sila may kiss. JB myloves, pakish nga! Ayiieyieeyiieee!

Natapos kaming kumain at ngayon nga ay nagpapractice na sila.

Ang gagaleeengg nilaaaa! Waaaaaaa!!! I'm gana die!!!!!

Pigil ko ang pagtili at pagpalakpak kasi bawal daw ang maingay naka video kasi.

Hard carry hey! Let it flow, let flow!

Sa isip ko nalang ako kumakanta.

Nakatakip ang dalawang palad ko sa bibig ko para pigilan ang kung ano mang gustong gawin nito. Nanlalaki naman ang mga mata ko habang pinapanuod sila.

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon