HAPPY 3RD YEAR ANNIVERSARY AHGASES!!!!!
TANDAAN NYO! SAKIN LANG SI JB. HAHA CHAR!
Medyo late na pagbati mula kay Author :*
JB'S POV
"Jisoo. I really have to go." Sabi ko kay Jisoo sa himig na nakikiusap.
Dalawang oras na akong nandito sa town house nila. I can't even find my cellphone and car key.
Wala naman sa plano ko na puntahan sya ngayon dahil nangako na ako sa kapatid ni Mik Mik na aattend ako ng graduation nito. Pero tinawagan ako kanina ni Jisoo and she screamed while we are on phone, so nagmamadali akong pinuntahan sya, only to find out na nagjojoke lang sya at gusto lang daw akong makasama.
Sinabi ko sa kanya na nakapangako ako sa kapatid ni Mikyle. I asked her to move our vacation tomorrow or the other day. Pero ayaw nya.
"Babe, I'm just asking for even a night!" Si Jisoo na medyo nauubusan narin ng temper. "Pupuntahan mo na naman si Mik Mik na araw araw mo na ngang kasama. I'm starting to get jealous."
"But we can move it tomorrow. Marami pang ibang time. Graduation ngayon ng kapatid ni Mik Mik at nagpromise ako na pupunta."
"So what, kung nagpromise ka?!!" Sigaw nya.
I was shocked.
Ngayon ko lang sya nakitang ganun magreact.
Aaminin ko na disappointed ako.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng bahay.
Kailangan kong puntahan si Mik Mik.
"Babe, I'm sorry!" Dinig kong sigaw ni Jisoo. Natigilan ako at nilingon sya. She's crying. "I'm desperate. Pakiramdam ko, may umaagaw sayo sakin. Hindi mo ba alam kung ano ang nararamdaman ko everynight, thinking that you're with another Girl? Then kahapon, I can't even introduce myself to your Mom as your girlfriend. Tinawag din nya si Mik Mik na Girlfriend mo! ..... It's just so unfair."
"Pero hindi lang ako ang nagdesisyon nun Jisoo." I mouthed followed by a sigh.
Tumalikod na ako at pumara ng taxi.
Nakarating ako sa hotel kung saan ang venue ng graduation, pero late na ako. Wala nang tao. I should know, it's already 7pm.
Dahil wala akong dalang cellphone ay naghanap ako ng malapit na payphone. Memorized ko ang number ni Mik Mik kaya mabilis ko syang na-conctact.
Ang nakakainis ay wala rin akong suot na mask, kaya dumarami na ang mga taong kumukuha ng picture ko.
[Yoboseyo.] Si Mik Mik.
"Si JB to'. I'm sorry na late ako. Nasan kayo?"
[Nasa restaurant kami. Nasan ka? Bakit hindi ka pumunta?]
"It's a long story. Pwedeng pakausap kay Mak Mak?" Tanong ko. Naririnig ko rin ang boses nya. I felt relieved dahil sa boses nya ay hindi naman sya upset.
[Mak Mak, kakausapin ka daw ni JB.] Dinig kong sabi ni Mik Mik.
[Hello Kuya?] Si Mak Mak.
"Mak Mak, I'm sorry nalate ako. Babawi nalang ako sayo."
[Okay lang Kuya. Dumating naman yung isa kong Kuya e.]
Isang Kuya?
"Sinong Kuya?" Curious na tanong ko.
[Si Kuya Jinyoung. Yung kaibigan mo.]
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...