MIK-MIK'S POV
DAY OFF
Dahil magtanghali na akong walang ginagawa ay nag post nalang ako ng selfie sa facebook account ko.
#boredom
Tulad noong day off ko last week ay wala si Jb dito sa bahay at mag isa lang ako. Paano ay may world tour fan meeting sila. One week na silang nasa ibang bansa.
Isang linggo at isang araw na ang nakakalipas matapos nya akong ikiss sa pisngi. Umasa ako na masusundan yun pero nga-nga.
Ilang minuto lang ay bumaha na ang comments sa post ko.
Malandi!
Pangit!
Maliit!
Chaka!
Walang boobs!
"Aba! Makalait tong' mga to. Na-real talk ako!"
At ang pinaka ikinainit ng bombunan ko ay ang picture na isinend ng isang international fan sa comment section ng post ko mismo.
Picture lang naman ng magaling na babaeng yun na aaminin kong maganda at ng myloves ko. Halatang isa sya sa mga fan na maswerteng nakapag papicture kay JB. At nakayakap pa sya sa bewang ng mahalan ko.
Owmay! Hindi ko to' kinakaya!!!
Kumalma ka Mikyle. Picture lang yun.
Picture nga lang. Eh kami nga walang picture e. T_T
Eh ano? Atleast ikaw, hinalikan!
Tama! Pero, di na naulit! Huhuhu. T_T
Hindi na ako makatiis. Tatawagan ko na talaga sya!
Isang linggo na syang wala, pero ni hindi manlang nya naisip na tawagan ako at kumustahin kaming dalawa ng magiging anak nya?! Hmp!
Tinawagan ko ang number nya at hinintay na may sumagot. Pero sawi na naman si Mikyle Han dahil nakasampung dial na ako sa number nya ay hindi nya parin sinasagot.
Muli kong sinubukan, at sinubukan, at sinubukan. Hanggang hindi ko na mabilang kung nakailang beses syang nag hangup.
Sinadya nyang ihangup. Hays.
Nabuhayan ako ng loob at halos mapatalon sa sofa na kinauupuan ko, nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Pero agad ding nabura ang pag-asa ko nang makitang pangalan ni Ynah ang nakaregister.
"Yoboseyo." Matamlay na sagot ko.
"Labas tayo Pinsan?" Masiglang bungad nya.
Mabuti pa sya masaya! Sana lahat.
"Ayaw."
Ewan ko ba, pero feel kong mag inarte ngayon. Pakiramdam ko ay boring ang lahat ng pwedeng gawin, kung hindi rin lang naman si JB ang kasama ko.
"Arte ha! E di ba wala naman dyan ang Oppa? Anong balak mo? Ang mag-buro ng flower?"
"Ang bastos mo talaga! Tsk!"
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...