MIK-MIK'S POV
Tatlong araw pa ang lumipas. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang iparamdam kay JB na mahal na mahal ko sya.
Ganoon din naman sya sakin. Masaya kami. Nararamdaman kong sobrang saya namin sa piling ng isa't-isa.
Hanggang ngayon ay hindi parin nagagawang lumabas ni JB sa bahay. Hindi parin kasi nakakalimutan ng media ang issue. Ilang araw pa lang din naman kasi ang nagdaan.
"Mahal ko, tikman mo to'." Sabi ni JB na ipinatikim sakin ang niluluto nya.
Nagluluto sya ng spicy budijae.
Nanlaki ang mga mata ko nang matikman yun.
"Ang sarap!" Masayang sabi ko. "Dapat kasi tinuturuan mo na akong magluto." Nakalabing sabi ko.
"Masarap ka naman magluto e. Nasasanay na ko." Nakangiting sabi nya.
"Ayst!" Inis na sabi ko.
DING DONG!
Natigilan kami ni JB dahil sa pagtunog ng doorbell.
Ako na ang lumabas para tingnan kung sino ang dumating na bisita.
Si Youngjae.
"Si JB?" Tanong nya.
"Nasa kusina. Halika, tuloy ka." Sabi ko at agad itong pinagbuksan ng gate at pinatuloy.
Tinawag ko si JB mula sa kusina na eksakto naman na tapos na sa pagluluto.
"Hyung." Si Youngjae, nang lumabas si JB.
"Why are you here?" Tanong ni JB. Pero halata sa mata nito na namiss ang kaibigan.
"I came here to say goodbye." Sabi nya na ikinabigla namin pareho ni JB.
"Ano?" Tanong ni JB.
"I decided to quit." Si Youngjae.
"What are you saying? You can't just leave got7!"
Saglit na tumahimik si Youngjae bago nagsalita. Alam kong pinipigilan nya ang pagluha.
"You did. Bakit hindi ko pwedeng gawin?" Sa tono ni Youngjae ay mababakas ang sama ng loob para kay JB.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng guilty. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito.
Tama si Mark. Nagsimula iyon ng dumating ako sa buhay ni JB.
Ginulo ko sila.
"Look, Youngjae, kung ginagawa mo to' dahil umalis ako, hindi tama. Mali ako dahil iniwan ko kayo, but unlike me, you have an option! Kung may iba lang paraan, hindi ko kayo iiwan. Please! Don't leave the other members." Pakiusap ni JB kay Youngjae.
Pwede bang kainin nalang ako ng lupa ngayon? Yung mawala nalang ako. Para hindi ko na madinig pa ang mga sasabihin nila.
"Nakapag desisyon na ako. Gusto ko nang umuwi. Ilang taon ko ring tiniis na hindi makasama ang family ko, but I think hanggang dito nalang ang pagsasakripisyo ko na yon. Ang totoo hindi lang naman ako e, nagpaplano narin si Bambam na bumalik sa Thailand, he left his career in thailand when he decided to be an idol here in korea."
So mabubuwag na talaga ang Got7??
Hindi pwede.
"Excuse me." Sabi ko at nagmamadali nang umakyat sa kwarto.
Hindi ko na kayang pakinggan pa sila. Ayokong madinig mula sa kanila mismo na unti-unti na silang maghihiwa-hiwalay.
E ano ba sa palagay mo ang mangyayari Mik Mik? Di ba naging makasarili ka?
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...