Sorry for taking number of days before I updated it. Masyado na kasing cliche ang story. But anyhow, I realized that when I started to write this story, it was just for fun, and also to fill the imaginations of my co-ahgases :) Hope you're still enjoying this story. Sarangheyo Jaebum Oppa :*
MIK-MIK'S POV
My 4th day of work in WM.
Sa nakalipas na dalawang araw ay naging maayos ang trabaho ko dahil wala si Jinyoung the second. May guesting daw kasi.
Ngayon ay inaasahan ko na wala parin sya. Chos!
Napapansin ko, ang choosy ko na. Ako pa ba ang tatanggi na makita ang isang artista? At ang mas matindi pa doon, ay nagagawa ko pang mag inarte kapag pinapansin nya ako.
Article mo MikMik haaaa!
Papasok palang ako sa building nang makasalubong ko ang nagmamadali at mukhang gahol na gahol na si Marcus.
"Ms. Han? Bakit ngayon ka lang?! Sumunod ka na sakin. Bilis!" Sigaw nya.
Kaya naman kahit na naguguluhan ay sumunod nga ako dito.
Nang sumakay kami sa kotse nya at nagsimula syang magmaneho ay saka ko lang nagawang magtanong.
"Marcus, saan tayo pupunta?"
Taka naman na saglit itong napatingin saakin bago nagsalita.
"Hindi mo ba alam? Shit! Nakalimutan ko sigurong sabihin sayo kahapon. Sa labas ang taping ng B1A4 ngayon. Ang totoo ay late na tayo ng dalawang minuto. Ang sungit pa naman ng..."
Hindi na nya naituloy ang sasabihin pa nya dahil tumunog ang cellphone nya.
"Yoboseyo? ...... On the way na kami .... Sorry .... Sorry ..... Hindi ko pala nasabihan si trainee.... Pasensya na.... Oo malapit na kami..... Salamat....."
Hindi na ako nagtanong pa. Maya-maya pa ay inihinto nya na ang sasakyan. Nandito kami ngayon sa Coex Aquarium.
"Wow!" Nasabi ko nalang nang pumasok kami.
Ang gandaaaaa!
Ito ang unang beses kong nakarating dito.
Nakarating kami kung saan nandun na ang lahat ng staffs at pati B1A4. Nakita ko si Jung Jinyoung pero di naman nya ako napansin.
At bakit ka papansinin? Famous ka? Si Hong Ra On ka??!
Nagsimula na kaming magtrabaho ni Marcus at nang ibang kasama namin na nauna na pala dito sa site.
Pero makalipas ang ilang minuto ay may napansin ako. Hindi lang pala B1A4 ang celebrity dito. May isang grupo ng magagandang babae ang dumating. Blackpink.
Wow! Naibulong ko sa isip nang makita ko si Jennie. Maging ang ibang members na sila Lisa, Rose, at Jisoo.
Alam kong hindi ito ang unang beses na nakita ko si Jisoo. Nakita ko na sya kasama si JB myloves. Magkaibigan sila e.
"Ang ganda nila noh?" Dinig kong bulong sakin ni Marcus.
"Oo. Dyosa sila."
Hindi ko mapigilan ang paghanga. Nakaka-nganga talaga ang kagandahan nila.
"Para sakin si Jisoo ang pinaka maganda. Crush ko talaga sya." Dagdag pa nya. "Mabuti nalang at hindi totoo yung issue na boyfriend nya yung isang idol. Akala ko talaga ay katapusan na ng puso ko nun."
Hindi naman malayong matsismis sya sa ibang idols. Hindi din malayo na magkagusto sa kanya ang mga oppa. Sa ganda ba naman nyang yan.
"Mabait pa." Wala sa sariling nasabi ko. Naalala ko kasi nung ipakilala sya sakin ni myloves.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...