Please read: Guys, nagkamali ako kanina at natap ko yung publish. I noticed na may 7 reads. Pakidisregard po yun please. Ito po ang tunay na update for this chapter. Again, I apologize. Thank you!
MIK-MIK'S POV
"Niga hamyeon da manneun mari dwae, niga hamyeon nan igiji mothaneunde, gapjagi neon ttan sarami dwae, joheul ttae deo nareul buranhage he."
Ansarap sa tenga ng boses ng mylabs ko. Gumising ako na naririnig ang pagkanta ni JB mula sa kung saan man sa labas ng kwarto. Ang ganda tuloy ng gising ko.
Pakiramdam ko ay ang haba-haba ng tulog ko.
Saglit akong nag inat bago tuluyang bumangon. Kinuha ko rin ang cellphone ko upang tingnan ang oras.
7 AM Monday
"Seven am monday." Ulit ko sa utak ko sa oras.
Dumiretso na ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush.
"Mwo???!! Seven Am monday???!" Naisigaw ko habang nasa kalahatian ng pag totoothbrush.
Agad kong tinapos ang ginagawa ko at saka siniguro kung tama nga ang nakita kong oras. Pero totoo nga, alas syete na ng umaga at kapag hindi pa ako nagmadali ay male-late na ako sa trabaho.
Ang natatandaan ko ay mag aalas sais na nang makauwi kami ni JB dito sa bahay kahapon. Inasikaso nya ako, ipinagluto, maya't-maya icheck at tanungin kung okay lang, at sinamahan nya lang ako dito sa kwarto ko. Bandang alas dose ng tanghali ay nakatulog ako matapos isipin ang muntik nang mangyari sakin. Then, that's it. At ngayon lang ako gumising.
Ano ba yan?! Hindi ko manlang naenjoy ang pag aasikaso ni JB sakin, at ang moment na magkasama kami sa kwarto maghapon. Uhhhhhhh!!!!
Pero teka! Late ka na! Wag kang mag inarte!
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto.
Natigilan ako nang makitang ang inaasahan kong nakabihis na JB ay nakasando at shorts lang habang kumakanta at sumasayaw sa labas ng kwarto nya. Para syang nagpa-practice.
Bakit ganun yung sando nya? Parang medyo parang nasisilip ko na ang nipple nya? Owmay! Mik Mik!!! Ang ganda ng katawan ng Daddy ng anak ko! >_<
Pero back to reality.
Kung mamaya pa ang schedule nya, e lagot ako! Mahihirapan akong umalis ng bahay para pumasok.
"You're awake." Sabi nya nang mapansin ako. Ang ganda ng ngiti nya. Yung ngiti na tuwing mapapanood ko noon sa jb compilation sa youtube ay napapangiti rin ako. Live sya ngayon mga bes! "Let's eat. I made some breakfast for us."
"Tere meylebs? Kekeinin ne kite. Ahihihi."
"Ano?" Takang tanong nya na nakapagpabalik sakin sa realidad.
"A, ano... M-mamaya pa ang schedule mo? hehe." Yun agad ang naisip kong itanong.
Garga ka talaga Mik Mik!
Sherep kese! Yum!
"No. I cancelled all my schedules today."
"Ha? Bakit?"
"Because I think you need me here. Baka kasi hindi ka pa okay. Ipina move ko nalang ang taping for GOT7's guesting tomorrow. About sa practice naman, for our stage performance sa inkigayo, pwede ko na yung gawin dito sa bahay. I called other members to practice at the JYP studio today." Mahabang paliwanag nya.
Ang tweet! So meaning, plano nyang mag stay maghapon dito sa bahay para sakin? ^_^
"Ano ke be meylebs. Okay lang nemen ako. Ikew telege! Yieee." Ano ba yan?! Dumadalas na ang paglandi ng dila ko. tsk.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...