SEVENTEEN

2.6K 71 2
                                    

MIK MIK'S POV

"How's your Dad condition?" Tanong ni JB habang nasa sasakyan kami.

"Okay na sya."

"Are you sure na hindi makakasama sa kanya kung makikita nya tayo?"

Sa puso ko nakakasama! Pakiramdam ko makikipagbreak ako sayo ngayon sa harap ng mga magulang ko.

Mang iiwan ka!

Paasa!

Walang poreber!

Huhuhu ╯﹏╰

"Nagkausap na kami ni Mak Mak. Okay na daw si Papa. Mas okay nga raw kung ipakilala na kita e. Kinausap ko na rin ang Doktor kahapon at wala na daw problema kay Papa. Salamat."

Hindi na sya nagsalita.

"Dyan nalang sa tabi." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay namin.

Agad naman nyang ipinark yun sa may gilid. Ipinagbukas nya ako ng pintuan at sabay na kaming naglakad.

Bago tuluyang makalapit sa pintuan ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim.

Grabe, namiss ko ang bahay namin. Namimiss ko narin sila Mama, Papa, at Mak Mak.

Sa wakas, makakasama ko na ulit sila.

Tok tok tok.

"Mama, Papa, Mak Mak!" Tawag ko pagkatapos ay muling kumatok sa pintuan.

Tok tok tok.

"Papa, Mak Mak, Mama!" Muling tawag ko nang walang sumagot, kasabay ng maraming katok.

"Ay Mik Mik, umuwi ka na pala??" Malakas na tanong ni Aling Osang mula sa likuran ko. Kapitbahay namin sya.

"Hindi po Aling Osang, hindi pa po ako nakakauwi. Picture ko lang po ito."

Napansin kong nagpigil ng tawa si JB, pero kunwa ay umubo-ubo.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Ay sino bang hinahanap mo dyaan?" Muling tanong nito.

"Pokemon po, baka sakaling meron dito."

"Napaka pilosopo mo talaga."

Mabuti nalang at alam kong hindi mapipikon sakin si Aling Osang. Aba! Mahal kaya ako ng mga kapit bahay namin.

"Biro lang po. Aling Osang talaga. E nasan po ba sila Mama?"

"Wala dyaan. Ang alam ko ay umuwi sila ng probinsya. Hindi ka ba sinabihan?"

"Sinabihan po ako. Nag effort lang po akong pumunta dito para kumatok. Hehe. E kelan pa po ba umalis?"

"Kahapon lang. Ang bilin ay sa isang linggo pa raw ang uwi nila."

Paano na ngayon? Kung kelan pa naman handa nang sabihin ni JB ang totoo. Aaaaaayst.

"Sige po Aling Osang salamat po."

"So, what are we going to do? Pupuntahan ba natin sila?" Si JB nang makaalis si Aling Osang.

"Sobrang layo kasi ng probinsya namin mula dito e. Sobra kitang maaabala."

"It's fine. What important is, I can talk to your Father so you can stay with them again."

Napaka desidido nya talaga na mawala na ako sa buhay nya T_T

Sana lang wag kang salubungin ng mga galit kong kamag anak dun. Ewan ko lang kung makauwi ka pa dito ng maayos.

Pero hindi yun maaari! Hindi pwedeng magalusan ang jb myloves ko!!! Over my dead body!

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon