Nineteen

2.6K 71 0
                                    

MIK MIK'S POV

Shock ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. At sobrang lito ako.

Pero ang sobrang nakakatunaw sakin ay ang huling sinabi nya.

I love you Mikyle.

Napakasarap pakinggan. Parang hinaplos ang puso ko. At parang gusto nitong tumalon papunta sa kanya.

"I love you too, JB." Mga salitang kusang lumabas sa labi ko. Tila nahipnotismo na ako ng lalaking ngayon ay nasa harapan ko.

Hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa. Tumayo sya mula sa pagkakaluhod pagkatapos ay hinaplos ang kanang pisngi ko. Ang isang kamay nya ay hindi parin binibitawan ang kamay ko.

Bumaba ang mukha nya sa mukha ko. At sa isang iglap ay sakop na ng mga labi nya ang mga labi ko.

Hinalikan nya ako.

Mabilis lang ang halik na yun.

Ang kauna-unahang halik na naranasan ko sa buong buhay ko.

Matapos yun ay hinila na nya ako paakyat sa stage at nag salita.

"I'm so sorry Ahgases. I don't want to use our concert for this. But now, I have no choice. Please stop all the rumors that was leaked regarding to our breakup. There is no third party. There is no one that should be involved with the issue. Mikyle and I only had a misunderstanding. She's pregnant and I don't want any issues to stress her out."

Pregnant? Di ba tapos na? Di ba dapat ang sinasabi nya ngayon ay hindi ako buntis? Ano to'?

Pumunta na kami sa backstage. Dumiretso kami sa dressing room kasama ang ibang members na ngayon ay masayang bumabati sakin.

"Noona, namiss kita!" Si Yugyeom.

"Noona! Mabuti bumalik ka!" Bambam.

"Mik Mik!" Si Youngjae na yumakap pa sakin.

Agad naman itong pilit na inilayo ni Jackson.

"Noona kasi!" Si Yugyeom.

"Mik Mik!" Parang emosyonal pa si Jackson na lalapit at yayakap sakin pero agad na rin itong pinigilan ng ibang members.

"Ayst!" Reklamo nito.

"Iwan muna natin sila JB hyung dito. Tayo na muna ang bumalik sa stage." Si Jinyoung na nagpatiuna nang lumabas.

Sumunod naman dito ang ibang members at naiwan kami ni JB.

"I'm sorry pero ituloy nalang muna natin." Panimula nya na parang alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin.

Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, at kahit alam kong imposibleng mangyari, may bahagi ng puso ko na naniwala at umasa.

"Bakit? Tapos na diba?" Nagawa kong itanong.

"I have a very important reason..... Please?"

Sa paraan ng pagkakasabi nya ng salitang please ay gusto na agad bumigay ng isang fan na tulad ko.

Gusto ko sya e. Pero kung alam kong sa huli ako lang din yung masasaktan dahil sa malaking chance na umasa at tuluyang mahulog ako sa kanya, pagbibigyan ko ba sya?

Hahayaan ko nalang ba na dumating yung time na okay na sya? Na pwede nang aminin yung totoo, pero ako umasa?

"Gusto ko nang umuwi. Bukas na ang dating nila Papa. Hihintayin kita sa bahay."

Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na ito at umalis.

-

-

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon