MIK-MIK'S POV
Maaga pa lang ay nasa byahe na kami pauwi sa Seoul. May schedule kasi ang Got7 at hindi pwedeng ma-late si JB.
Tulad kahapon ay sa backseat ako naupo. Hindi ako pinigilan ni JB, at ayos na rin siguro yun. Hindi naman namin kailangang magpanggap kapag kami lang. At tulad din kahapon ay ni walang nagsalita samin sa buong byahe.
Cold sya, cold din ako. That's better.
"Ihahatid lang kita sa bahay, kailangan ko rin umalis agad." Maya-maya ay sabi nya nang nasa subdivision na kami.
Tumingin lang ako sa kanya mula sa salamin at tumango bilang pagtugon.
Nang makarating kami sa bahay ay walang kahit isang salitang bumaba ako sa kotse nya. Ni hindi ko sya ginawang lingonin nang pumasok ako sa gate ng bahay.
JB'S POV
We're performing on stage pero wala dito ang isip ko. It is somewhere in our house, with Mik Mik, thinking what she's doing at the moment.
Halos isang linggo na syang cold sakin. Ni hindi nya ako kinakausap. Mas lumala pa yun nang dahil sa ginawa ko noong isang gabi. Mas lalong hindi na nya ako kinausap.
Kelan pa ba ako nakagawa ng hindi maganda ng dahil sa galit? All I know is, I'm always in control. Lalo na at leader ako ng grupo ay madalas kong magawa na magpasensya at isipin muna ang isang bagay bago ito gawin.
But why am I easily losing my temper when it comes to Mik Mik? Bakit hindi ko mapigilan ang emosyon ko?
Maybe it is because of what I feel for her.
Because I love her, kaya hindi ko mapigilan ang selos ko lalo na nang sabihin nya na sana ay si Jinyoung nalang ang minahal nya.
Now I can see that she's trying to avoid me. She's trying to kill her feelings for me. And being aware about that is killing me inside.
Pero anong magagawa ko? Ikakasal na ako. Kaya kung mahal ko sya ay gugustohin ko rin syang maging masaya. Hindi ako dapat maging selfish.
Saka isa pa, sinadya ko naman syang saktan para mas mabilis na mabura ang nararamdaman nya sakin diba? Pero ang nakakainis ay ayoko na mabaling iyon sa iba. Ang totoo ay nang malaman ko na gusto sya ni Jinyoung ay parang gustong magbago ng isip ko.
"Hyung, anong problema?" Tanong ni Bambam nang matapos kaming mag perform at nasa backstage na.
"Oo nga JB. Muntik ka nang magkamali kanina. Tapos, halatang wala kang gana." Si Jackson.
"Lovers quarrel." Si Mark.
"May problema ba kayo ni Noona?" Si Yugyeom.
"Oo nga e. Bigla ka nalang bumalik sa dorm. Sinong kasama ni Mik Mik sa bahay?" Si Youngjae.
Sa napakarami ng sinabi nila ay wala akong nasagot.
Napafocus ako kay Jinyoung na ngayon ay may tinatawagan sa telepono.
"Dinner?"
Yun lang ang nadinig ko, dahil hinila narin ako ng ibang member papunta sa dressing room.
Mas lalo akong di mapalagay. Malakas kasi ang pakiramdam ko na si Mik Mik ang kausap ngayon ni Jinyoung.
My heart says I have to do something. But my brain is telling me that somehow, it is better if Mikyle will end up with Jinyoung. Nakita ko kung gaano nya kamahal si Mik Mik. Nagawa pa nga nyang igive up si Mik Mik sakin just to make her happy.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...