Eleven

2.6K 78 0
                                    

YOUR POV (Mik Mik)

Biling baliktad na ako sa kama.

Alas dose na ng tanghali at wala parin akong planong lumabas ng kwarto. Mabuti nalang at may sariling CR itong kwarto ni Jinyoung kaya nagagawa ko paring umihi at maligo nang hindi kailangang lumabas at makita ang Got7. Ang problema nga lang ay ang pagkulo ng tyan ko. Hays -_-

Dinig ko sila sa labas. Wala ba silang schedule ngayon?

Hm? Parang imposible naman diba?

Pero di bale na!

Busy din kasi ako.

Busy sa pagtitig sa cellphone ko.

Kelangan kong mag isip kung paanong post ang gagawin ko.

Oo. Yun ang naisip kong gawin dahil sa sinabi ni Jb myloves kagabi.

Social media lang naman ang alam kong pwedeng magamit ng isang fan para sa idol nila kapag may issue laban dito e.

Dalawang oras pa ang lumipas. Meaning, one oclock na.

Kumukulo na talaga ang sikmura ko. Gusto ko nang kumain! Di ba nila ako naaalala dito? Tsk!

Pero teka? Bakit parang antahimik na sa labas?

Wala na sila? ^_^

Yes!

Dahan-dahan akong sumilip sa pintuan at nakahinga ng maluwang nang makitang wala na ngang tao sa sala.

Mabilis na akong lumabas at pumunta sa kusina. Swerte ko dahil may natira pang noodles. Ang problema hindi na.mainit. Pero di na bale, keri na to.

Excited ako pupunta na sana sa mesa dala ang bowl na may noodles, nang pagharap ko ay muntik ko nang mabitawan ang dala ko.

"Je- J B??"

Bakit nandito pa sya?? Lagot!

"Don't worry paalis narin ako. Binilhan lang kita ng pagkain dahil wala ka na yatang planong lumabas ng kwarto mo kanina."

Cold ang pagkakasabi nya nun pero di bale na! Kinikilig ako dahil naalala nya pala ako. Binilhan nya ko ng pagkain! Waaaaaaahhhhh!!!!

"Thank you." Sabi ko nalang nang ilapag nya ang pagkain sa mesa, sa tapat ko.

"No worries. Anyway, just call me kung aalis ka na para alam ko kung saan ka pupunta. "

Oyyyyieeeee concern ang Jaebum a!!!!

"I have to go."

Tatalikod na sana sya pero naisipan ko syang pigilan. Sayang ang pagkakataon, dalawa lang kami sa bahay. Hihihi ^_^

"Hm, Jaebum-shi?"

"Ano yun?" Tanong nya saka lumingon.

"K-kasi... Diba tayo lang ang tao ngayon dito? Hihi"

"What do you mean?"

"Kasheee... Kashee nakekehiya kepeg mereming tao. Kaya ngayon nalang. Hihihi."

Tumayo ako at tangkang lumapit sa kanya pero tila natatakot na humahakbang naman sya paatras.

"A-anong gagawin mo ha??!!!"

Ano bang iniisip nya?!

Nyek!

"Bakit ka ba kasi atras ng atras? Ipapakita ko lang tong' ipopost ko sana sa twitter ko oh'" Takang sabi ko sabay abot ng phone ko dito.

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon