Thirty Four

2.3K 66 27
                                    

Youngjae, Yugyeom, and Jinyoung. Oh my, andaming naka line up na request haha. But don't worry ahgases, I am starting to write a story for each of them. Hope you like it. I will post it before the end of this month. Yieeee!!!

MIK-MIK'S POV

"Jisoo? You're here." Si JB. Base sa reaksyon nya ay parang hindi sya makapaniwala na nandito ngayon si Jisoo sa harapan nya.

"Yes Babe, I'm here." Sagot ni Jisoo, pagkatapos ay nilingon ako. "Excuse me .. Mik Mik right? Ahm, can you leave us for a moment? There's just something that we need to talk about. Thank you."

Leave them for a moment?

Hindi. Ayoko!

Hindi ko sya sinunod. Sa halip ay nanatili lang akong nakatayo.

Napansin ni Jisoo ang hindi ko pag alis, kaya muli syang bumaling sakin.

"Mik Mik? Please?" Muling pakiusap nya.

Tumingin ako kay JB na nakatitig parin sa mukha ni Jisoo. Maya-maya ay bumaling sya sakin at tinitigan ako.
"Yes, please leave us for a moment." Si JB.

Yun lang ang sinabi nya pero bakit parang masakit na?

Pero dahil sinabi nya, umalis ako at iniwan sila.

Isang minuto, limang minuto, hanggang sa naging isang oras. Isang oras narin na hindi ako mapakali.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naghihintay na tawagin ako ni Jb para sabihing tapos na silang mag usap ni Jisoo.

Pero bakit ang tagal?

Hindi ko na natiis, at nagdesisyon akong bumaba na. Pero wala na sila dun.

Hating gabi na nang bumalik si JB.

"Kumain ka na?" Tanong nya nang maabutan nya ako sa sala.

"Hindi pa." Nakangiting sagot ko. "Kain na tayo myloves?"

"I'm sorry pero kumain na ako sa labas. Aakyat na ko. Kumain ka na, okay?" Yun lang at iniwan na nya ako sa sala.

Sobrang pagod siguro ang myloves ko. Baka pagkatapos nilang mag usap ni Jisoo ay nagkaroon ng biglaang schedule ang Got7. Hays.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko at natulog na.

Bukas nalang ako kakain. Siguradong sabay kami ni Myloves na kakain ng almusal. ^_^

Pasado alas singko palang ay gumising na ako para maghanda ng agahan. Nang matapos ay hinintay ko nalang na bumaba si JB.

Pero ang nakakapagtaka ay alas syete na ng umaga e hindi pa sya bumababa. Nagdesisyon akong puntahan sya, para lang malaman na wala na pala sya dun.

Maagang umalis si JB?

Late na syang umuwi kagabi, tapos ang aga pa ng schedule nya. Kawawa naman ang myloves ko.

Nagmamadali na akong naligo at nagbihis. Kailangan kong dalhan ng breakfast si JB.

"Oh, Mikyle?" Si Jinyoung, nang makita ako..

Nasa gym sila ng building.

"Hi Noona!" Bati din sakin ng iba.

"S-si JB?" Tanong ko nang mapansin kong wala sa loob ng gym si JB.

"Akala namin kasabay mo sya. Wala pa kasi sya dito e." Nagtatakang sagot ni Youngjae.

Wala sya?

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon