TEN

2.6K 71 1
                                    

YOUR POV (Mik-Mik)

Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung anong nangyayari kay Jinyoung.

Kelangan kong gumawa ng paraan.

"JB my loves?" Tawag ko dito na ikinasalubong ng mga kilay nya at lalong ikinapikit ng mga mata nya. In short, parang nainis sya, ganon.

"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan." Bulong nya.

"Oo na. CR lang ako."

Lumabas na ako sa practice room at hinanap ang office ni JYP.

Ang problema ay hindi ko alam kung saan ang office ni JYP kaya tinakbo ko ang buong floor para hanapin pero wala.

Umakyat ako sa kasunod na floor at sinubukang silipin lahat ang pinto pero mukhang wala din dito. Napansin kong may papaliko sa bandang dulo pakanan kaya agad akong tumakbo dun.

"Ouch! Hmmm hmmmm!"

Sino ba kasi itong mabangong mama' na to na bigla nalang humila saken?

Nakaupo kami ngayon sa gilid ng ewan. Nakasandal sya sa pader at ako naman ay nakasandal sa kanya habang nakatakip sa bibig ko ang isang kamay nya.

"Tell me?! Who is that girl?!"  Hindi masyadong malakas pero halatang galit ang tono na tanong ng isang lalaki.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si JYP yun.

So, si Jinyoung ang tinatanong nya?! Lagot!

"I can't tell you." Boses nga yun ni Jinyoung.

Medyo matagal bago muling nagsalita si JYP.

"May relasyon ba kayo?" Sa puntong yun ay medyo malumanay na ang boses nya.

"Hindi ko pa pwedeng sagutin yan ngayon. Ano bang consequence ng ginawa ko?"

"Hindi na kita pipiliting sumagot. Nag cancel na ang SBS. Nakahanap na sila ng ibang lead role para sa bagong drama."

O_O

Ano??? Ganun kalala??!

Kelangan kong sabihin na ako yun!

Tatayo na sana ako nang biglang nagclick nag doorknob, hudyat na may taong lalabas. Pero bago pa mangyari yun ay mabilis na akong nahila palayo ng taong nasa likuran ko.

Nakatakip parin ang kamay nya sa bibig ko nang makapasok kami sa isang clear na room.

Nang bitawan nya ako ay inis ko syang nilingon.

O_O

"M-mark??!" Gulat na tawag ko sa pangalan ng taong kasama ko na si Mark Tuan pala.

Kaya pala may abs. <3 Tsing! Loyal ka kay Jaebumshi Mik-Mik!!! Wag ka!!!

"Now what will you do?" Tanong nito na halatang iritado.

Hala inengles ako!!

"Tu-tutulungan ko si Jinyoung. Sasabihin ko kay JYP na...-"

"Go! Tell JYP na ikaw ang kasama ni Jinyoung. Idamay mo ang buong grupo."

"Kasi..."

"You ruined JB's life. Please, wag mo nang idamay si Jinyoung at ang ibang members."

Pagkasabi nya noon ay padabog na syang lumabas ng pinto.

Ako naman ay naiwan na namumutla.

Aaahh! Anong gagawin ko??

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon