MIK-MIK'S POV
Nabibwisit na talaga ako sa ugali nung Mark Tuan na yun.
Tsk!
Ang sungit nya sakin palagi.
Three weeks na akong dito tumutuloy sa secret condo unit nya. Dinala nya ako dito nang minsang tulungan nya ako.
Hindi ko alam kung bakit nya pa ako tinulungan, tapos pagsusungitan din naman pala.
Ang nakakainis pa, ang sabi nya sakin noong unang araw ko dito ay bihira lang daw syang magpunta dito sa condo nya dahil sa dorm sya tumutuloy. Sabi nya, isang beses lang daw sa isang buwan. Pero bakit halos 5 times a week nandito sya?
Ayst!
Pero utang na loob ko parin sa kanya ang ginawa nyang pagkupkop sakin dito. Wala na akong mapupuntahan noong araw na yon, pero to the rescue sya.
Flashback **
Papatalikod na sana ako nang aksidenteng nasagi ng isang fan ang panyo sa mukha ko. Nahulog yun.
Kinakabahang tumingin agad ako kay JB, at nakahinga nang maluwag nang makitang malayo sakin ang atensyon nya.
Nagmamadali na akong lumabas ng mall. Pero bakit ba ako nagmamadali? Nag eexpect ba ako na makikita nya ako at hahabulin? He maybe loves me now, pero hindi ko dapat kalimutan na isang lang akong simpleng tao. Normal na tao na kapag inihalo mo sa napakaraming tao ay imposibleng mapansin. I am no one, but just a fan.
Sa wakas ay nakalabas ako ng mall.
Ang hindi ko inaasahan ay ang mga galit na fans na sumunod sakin. Nakilala pala nila ako.
"May lakas ng loob ka pang pumunta dito?" Sabi ng isang matabang babae.
Natatakot ako the way na magsalita sya. Para kasing kahit anong oras ay mananakit sya. May kasama rin syang apat pang babae na galit din ang tingin sakin.
Hindi pa naman ako sanay sa away na pisikalan. Hindi naman ako palaaway e.
Saka wala rin akong planong lumaban kapag may ginawa sila. Dapat lumabas parin na guilty ako sa mga ginawa ko.
At dahil tapos na ang show ay maraming fans ang nagsilabasan. Marami mang fans ang piniling pagbulungan na lang ako, maraming fans parin ang galit sakin at parang handa akong kainin ng buhay.
Pinapaligiran na ako ng fans at pinagtitinginan na rin ako ng mga tao.
"Alam mo bang muntikan ng madisband ang got7 dahil sayo?! Nag quit si JB, dahil dun ay nagquit din si Youngjae! ... Mabuti nalang at hindi sila tuluyang nadisband, dahil makakalbo ka namin kung nagkataon."
"Pinag sisihan ko na lahat ng yon. Sorry." Hinging paumanhin ko nalang. Kailangan kong makaalis dito.
Pinili ko nalang ang yumuko, pagkatapos ay mabilis kong tinalikuran ang mga ito at nagsimulang maglakad.
Pero bakit ang kulit nila? Naramdaman ko nalang ang sakit sa bandang anit ko nang biglang may humila sa buhok ko.
"Aray!" Hindi ko napigilan ang pag daing.
Masyadong malakas ang babaeng ngayon ay hila ang buhok ko kaya nabuwal ako.
Dahil sa sakit ay hindi ko na napigilan ang hindi lumaban. Itinulak ko ng malakas ang babae na naging dahil para masugatan sya sa braso.
Hindi ko sinasadya ang nangyari. Gusto kong humingi ng tawad pero bago pa ako mabugbog ng ilang fans na kasama nito ay nagmamadali na akong sumakay sa isang taxi.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...