MIK-MIK'S POV
Me: Tumawag Mommy mo, pumunta daw tayo sa birthday party ng daddy mo. Attendance is a must daw.
Baduy baduy! Attendance is a must mo to' Mik Mik!
Binura ko agad ang text message na isesend ko sana kay JB, pagkatapos ay nagtype ng panibago.
Me: Hindi kita gustong itext pero pinapupunta tayo ng Mommy mo sa birthday ng Daddy mo.
"Ano ba tong' ginagawa ko?!" Inis na itinapon ko ang cellphone ko sa kama.
Hindi na dapat ako nagsesend ng text message sa kanya. Ni ang kausapin sya ay hindi ko na dapat gawin.
Dapat ngayon ay patuloy kong isinisiksik sa utak ko ang gawin ang lahat para layuan at kalimutan sya!
Bakit ba kasi kailangan ko pa syang pakiusapan na pumunta sa birthday ng Daddy nya e! Mikyle! Mikyle! Mikyle! Mag isip ka!
Naputol ang pag ganoon kong pag iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Myloves Calling....
Ano ba yan? Bakit myloves parin?
Sinagot ko pero hindi agad ako nagsalita.
[My Mom called me. May gusto ka raw sabihin sakin.] Bungad nya.
"Birthday ng Daddy mo. Pumunta ka" Yun lang ang sinabi ko in a cold tone..
[Okay.] Sya.
O.O
"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
[I need to go. Magsisimula na kami. I'll pick you up at 4pm.] Yun lang, then he hungup.
"Hayst! Bakit naman ganito ang life? Iniiwasan mo na nga, pilit paring pinaglalapit." Nasabi ko nang matapos ang tawag.
Ka'stress!
Mag aalas kwatro nang makadinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay.
Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay magkasalubong ang kilay na lumabas.
Padabog akong pumasok ng kotse nya at sinadyang maupo sa backseat.
"Magmumukha akong driver mo. Dito ka sa harapan." Si JB.
"Ayoko." Sagot ko.
Wala syang nagawa kung hindi ang magdrive.
Tatlong oras kaming bumabyahe na walang imikan. Awkward is real.
Bakit ko sya kakausapin? Utot nya!
Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi ko mapigilan ang humanga. Ang ganda pala. Siguro lang ay sinadya talagang hindi masyadong pinalakihan dahil tatlo lamang naman sila doon. Pero promise, halatang pangmayaman at parang ang sarap magbakasyon dito.
"They're here!" Dinig kong malakas na sigaw ng Mommy ni JB na agad din kaming sinalubong kasama ang Daddy ni JB.
Ito ang unang beses kong makikilala ang Daddy nya kaya medyo naiilang pa ako.
Owmy, kamukha nya! Pero hindi, mas kamukha nya ang mommy nya. Pero kamukha nya din talaga. Ewan! Hehe.
"Good evening po Tito, Tita." Bati ko sa kanila.
"Ay nako Hija! Mommy at Daddy na rin ang itawag mo samin, okay?" Sabi ng Mommy nya na ikinabigla ko.
Mommy, Daddy??? Wae???! Break na po kami!
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...