Share ko lang. Napanuod ko yung Real Got7 4 ep 4. Sabi sa taro cards ni JB, compatible daw sya sa babaeng Han ang apelyedo. (Ehem, Mikyle Han) hahaha. >_<
MIK MIK POV
"Noona!!!" Halos magkasabay na sigaw nila Yugyeom at Bambam.
Napangiti ako.
Sino bang hindi mapapangiti? Halos sabay sabay ang pagpasok ng mga nag gwagwapuhang nilalang sa kwarto ko dito sa ospital. Ang sobrang gwapo na si Mark, sunshine Youngjae, cute na Bambam, hot na maknae Yugyeom, Jinyoung na mukhang anghel, at Jackson na perfect na ata.
Hays ^_^ nasa fan meeting ba ako'? Hindi, nasa heaven na ako!
"Gising na si Noona!" Sigaw ni Yugyeom nang makita ako.
"Sino bang hindi magigising sa sigaw mo. Neeeeenaaa!!" Si Jackson na ginaya pa ang pagsigaw at boses ni Yugyeom.
"Hi Mikyle!" Si Jinyoung.
Lahat sila ay nagsilapitan sakin.
Idinikit pa ni Jackson ang likod ng palad nya sa noo ko, para tingnan kung may lagnat pa ako.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Si Youngjae.
"Oo nga Noona. Wala na bang masakit sayo?" Si Bambam.
"Lagnat lang naman yun e." Natatawang sabi ko.
"May dala kaming fuits para sayo." Si Mark.
O.O
Totoo ba? Si Markeu? Kinausap ako?????
"Salamat." Yun lang ang nasabi. Namamangha ako. Ang ganda palang pakinggan ng boses nya. Haha.
Nang tingnan ko ang mga dala nila ay napanganga ako.
Ow my! Bakit ang dami? Ilang linggo ba ang akala nilang magtatagal ako dito?? Pauwi na ako mamaya haaa!!!
Tatlong baskets ng prutas. At magagandang flowers. Ano ito???
"Bakit ang dami?" Tanong ko sa kanila.
"Ah, hindi kami makapag decide kung ano sa mga yan ang magugustuhan mo, kaya binili na namin lahat." Sabi ni Youngjae.
"Thank you. Palabas na ako mamaya. Hehe."
Nagkatinginan sila pati narn sa mga binili nila.
"Pero favorite ko lahat nga yan. Dadalhin ko nalang sa bahay." Masayang sabi ko.
"Nasaan pala si JB?" Tanong ni Jackson.
Nasaan nga ba?
Flashback**
Nang mag umaga ay iniwan muna ako saglit ni JB. Kailangan daw kasi nyang bumili ng breakfast para samin.
After 30 minutes ay bumalik sya. Pero may kasama. Si Jisoo.
"Hi Mik Mik." Nakangiting bati sakin ni Jisoo. "May dala akong prutas para sayo. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Masakit. Masakit na masakit.
"Thank you." Yun nalang at saka ako ngumiti ng bahagya.
Mabait naman si Jisoo. Pero hindi ko magawang kausapin sya ngayong nandito kami sa iisang kwarto kasama si JB.
Kung pwede nga lang na iwan ko muna sila e. Sila nalang muna dito sa loob. Ako nalang ang mag aadjust. Kesa naman nakikita ko kung paano sila maging sweet sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...