MIK MIK'S POV
Nasa magkabilang dulo kami ng isang 4 seater na sofa at nakaupo. Walang nagsasalita at parehong malalim ang iniisip.
Ang sakin lang naman ay paano ako makakatiis???? Na hindi gapangin si JB myloves!!! Huhuhu TT
"I guess we need to stay here for 3 months. I'm sorry." Si JB.
Hays. Napaka humble talaga ng leader na ito.
"Sige okay lang. Sayo okay lang ba? Di ba, hindi naman kayo pwedeng umalis sa dorm?"
"Well, JYP is aware about this. My Mom told him before she bought this house. Anyway, I need to go to the dorm. Kukunin ko muna ang mga gamit ko at ililipat dito. Ayusin mo na rin ang mga gamit mo. You can use the masters bedroom, I'll occupy the guestroom. Pero sa masters bedroom ko ilalagay ang mga gamit ko. Sigurado kasing madalas pupunta rito ang members at magtataka sila kapag napansin na magkahiwalay tayo ng room."
Umalis na sya at naiwan ako sa bahay na to'.
Kung titingnan ay sakto lang sa isang pamilya ang bahay, pero masyadong malaki kapag nag iisa ka. Tulad ngayon. Aasahan ko na rin na madalas akong mag isa dito dahil laging busy si JB.
Umakyat na ako sa taas at iniayos ang gamit ko sa cabinet na nasa masters bedroom. Mabuti nalang at konti lang ang dala kong gamit dahil siguradong maraming gamit si JB. Alam ko rin pala kung nasaan ang masters bedroom dahil bago umalis ang Mommy ni JB ay nagtour muna kami dito sa buong bahay na sya pala ang nagdecide ng interior design.
Nang maiayos ko ang mga gamit ko ay pumunta ako sa kusina. Puno narin ang refrigerator at mukhang nag grocery na rin ang Mother inlaw ko. Napaka thoughtful naman nya sa unico hijo nya. Wow.
Dahil maaga pa naman ay naisipan ko munang lumabas ng bahay. Hindi ko masyadong napagmasdan ang labas kanina nang dumating kami dahil sa pagkabigla. Ngayon ay pagkakataon ko na.
"Grabe! Ang ganda naman dito." Nasabi ko sa pagkamangha habang naglalakad sa labas ng bahay at nililibot ang paningin sa paligid at nag gagandahang bahay.
BOOOGGGHHH!
"Aray!" Daing ko nang mabunggo ako sa isang matigas na bulto.
Agad kong tiningnan ang taong nakabunggo sakin habang nakahawak ang isang kamay sa nasaktan kong noo.
"Hm?? Ikaw?!!!" Gulat na sigaw ko.
Sya naman ay halatang nabigla din. Sya yung lalaki na nakabunggoan ko rin sa WM entertaiment noong interview ko.
"It's you. That hoy girl!" Mukhang masaya pang sabi nya.
Hoy Girl?! Ano kaya yun??
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
Malamang naman Mik Mik na nandito ang bahay nya. Tss!
Napansin ko na naka running gear sya. May suot din syang head phone kanina pero inalis nya nang makilala ako.
"I have a house here." Sagot nya.
"Ah. So dito ka nakatira?"
Tongengks! Malamang. Common sense Mik Mik. Syonga ka?
"No."
E hindi naman pala ako syonga. Hehe.
"I mean, I have a house here. But I'm staying in the.... In my friend's house. Syanga pala, bakit hindi na kita nakita sa WM?"
"Hindi pa kasi ako tinatawagan e. Siguro hindi ako qualified."
"Don't lose hope. I know you will be hired in WM. Just wait."
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...