MIK-MIK'S POV
"Myloves?" Tawag ko kay JB nandito na kami ngayon sa kwarto at naghahanda na sa pagtulog.
Nakaupo na ako sa kama at sya naman ay iniaayos ang higaan nya sa lapag.
"Hm?" Sya na patuloy parin sa ginagawa nya.
"Naisip ko lang na unfair." Ako.
"Ha? Why?" Tanong nya na naagaw ko na ang atensyon at tumingin sakin.
"Kasi naman, hindi mo manlang ako niligawan. Tsk!" Maktol ko.
Natatawa naman na lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.
"Ganun ba? Do we need to break up, para maligawan kita?" Tanong nya.
O.O
"Eto naman! Hindi na myloves. Nag iinartz lang ako. Saka okay na akong hindi mo ligawan. Hehe."
At heto na naman ang poging ngiti nya. Mabilis nya akong hinalikan sa noo, pagkatapos ay tumayo na itinuloy ang ginagawa.
Ansarap ng feeling!
Feeling wonderful! Ganern! ^_^
"Myloves, laro tayo?" Sabi ko.
Eksaktong tapos na sya sa ginagawa nya kaya naupo narin sya doon.
"Puzzle?" Sya.
"Oo. Tutal yun lang naman ang madalas mong laruin sa VLive e. Hehe."
"Sige." Sya ulit.
"Pero may bet ulit." Ako.
Alam nyo na. Hahaha. Gusto kong mag take advantage. Char!!!
Pero don't worry, alam ko ang limitations ko. Hinding-hindi ko ibibigay ang perlas hanggat walang kasal!
"Ano?" Tanong nya.
"Kiss. Hehe." Medyo nahihiyang sabi ko. Pero ya'nyo na. Atleast makakakiss! Bleee!
"E paano kapag natalo kita?" Tanong nya ulit.
"E di kiss nalang rin. Hehehe."
Napapangiting lumapit sya sakin.
"E di wag na tayong maglaro." Sabi nya na nagawa nang makalapit sakin at akmang ikikiss ako.
Nagagahol namang kumawala ako at tumakbo.
"Joke lang! Hahahahaha!" Tumatawang sabi ko.
Nasa kabilang side sya ng kama at ako naman ay nasa kabila.
Kinagat nya ang pang ibabang labi nya na parang inaasar ako. Ang hot!!! Emegesh! Pagkatapos ay biglang tumakbo papalapit sakin.
"Aaaaaaaaaayyyyyyyy!!!" Malakas na sigaw ko kasabay ang pag tawa at pagtakbo ulit. "Jeeeyybeeee!" Sigaw ko. Pero nahuli na nya ako. "Nagbibiro lang kaya ako." Tumatawang sabi ko.
Nakayakap na sya ngayon sa bewang ko at ayaw akong pakawalan.
Nagawa nya akong iharap sa kanya at nang magtama ang mga mata namin ay natigilan na ako sa pagtawa.
Parang nag iba ang atmosphere. Parang uminit. Tapos seryoso syang nakatingin sakin.
"Remember the time that you also teased me to kiss you? ... In the car?" Sabi nya na parang ipinaalala sakin yung kiss namin.
Yieeee!
Tumango nalang ako.
Di ko na kakayaning magsalita mga bes. Pasensya na! Owwaaaa!
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...