Fourty

2.6K 78 10
                                    

300 votes and soon to have 3k reads :) Yieeeeee! Thank you Ahgases and multifandoms :*

JINYOUNG'S POV

Kahit nasa kabilang linya pa si Mikyle ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

"Jinyoung, where are you going?" Tanong ni Mark.

"Hyung?" Tanong naman ng iba, pero hindi ko na sila pinansin.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa bahay ni JB.

I don't know what's happening, pero base sa boses at pag iyak ni Mikyle ay may nagawa na naman si JB na ikinasakit nya.

Nang ipress ko ang doorbell ay si JB ang nagbukas ng gate.

"Jinyoung?" Tanong nya nang makita ako.

Hindi ko na sya pinansin. Dire-diretso na akong pumasok sa bahay nila at hinanap si Mikyle.

Nang hindi ko sya makita sa sala at sa kusina, ay sa kwarto nya ako sumunod na pumunta.

Then I saw her.

I shouldn't let JB hurt her like that.

"Let's go." Sabi ko sabay hila sa kanya.

MIK-MIK'S POV

Nandito lang ako sa kwarto. Trying to blame everyone kung bakit nangyari sakin ito.

Pati si Jinyoung ay nagawa kong pagbuntunan ng galit ko. Tinawagan ko sya kanina para sabihin lahat ng galit na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng biglang magbukas ang pinto at pumasok si Jinyoung.

Saglit syang huminto, pero maya-maya ay nilapitan ako at hinila ang kamay ko.

"Let's go." Sabi nya at hinila na ako papalabas ng kwarto.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko na talagang makalayo dito.

Tahimik lang syang nagdrive. Nakatulog pa nga ako e. Nang magising ako ay nasa harapan na kami ng isang magandang beach.

Wow!

Saglit kong nalimutan ang problema ko, pero syempre, ramdam ko parin ang hapdi sa puso ko.

"You like the view?" Tanong ni Jinyoung na nakasandal sa backrest ng upuan ng kotse nya.

Nakatingin lang pala sya sa reaksyon ko.

"Nasan tayo?" Tanong ko sa kanya habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Nasa Seoul parin tayo. Malapit lang ang beach na to' sa Gangnam. Kain tayo? Masarap daw ang seafoods sa restaurant dito e."

Ngumiti lang ako pagkatapos ay ipinilig ang ulo ko.

"Ikaw nalang. Parang wala ako sa mood kumain ngayon e."

"I insist. Mukhang hindi ka pa nag breakfast e. Ayan o, ampangit mo na naman."

"Tsk! Sabi mo kapag stressed ako pangit, hindi pag nagugutom." Sabi ko na naalala pa ang sinabi nya noon.

"Ganun ba? Kahit pala kapag nagugutom ka, pumapangit ka rin? Ayst! Malubha na yan."

"Hayst." Kung wala lang akong problema, napitik ko na ang ilong nitong idol na to'.

Lumabas sya sa kotse pagkatapos ay binuksan ang pintuan na nasa gilid ko.

"Tara naaa!" Ang makulit na si Jinyoung. Hinila na nya ako, kaya wala akong nagawa kung hindi ang samahan syang kumain.

"Hey, you need to drink water." Sabi ni Jinyoung na nagagahol bigyan ako ng tubig. "Tsk tsk. Wala ka nga sa mood kumain, no?"

Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon