MIK MIK'S POV
Seryoso akong nakatingin sa mga mata nya at ganun din naman sya sakin.
Hindi ako pwedeng sumuko. Lalaban ako at hindi hahayaang makuha nalang nya ang gusto nya.
Pinalaki ako ng mga magulang kong may dangal at hindi basta basta ibibigay ang gusto ng lalaking gusto ko.
"Just do it. Para hindi ka na mahirapan." Si JB na diretso parin na nakatingin sa mga mata ko.
Ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko, siguro ay mga dalawang pulgada lang.
"Andwaeyo! Hindi-hinding ko yun gagawin ngayong gabi! Never!" Sigaw ko dito.
"Tss! Dahil dyan mapipilitan akong gamitin ang lakas ko." Si JB.
Sa isang iglap ay nagawa nyang itumba ang mga braso ko gamit ang mga braso nya.
Natalo nya ako sa bunong braso.
T_T
Kainis! Ibig sabihin ay ako ang maghuhugas ng mga plato ngayon. Kung kelan malamig ang panahon. Kainis!
Wala kasi akong gana na maghugas ng plato ngayon dahil sobrang lamig ng panahon. Pinaki-usapan ko sya na sya nalang ang maghugas ng mga yun, tutal ay maaga naman syang umuwi dahil nacancel ang guesting nila ngayong gabi. Pero dahil ayaw nya rin ay nauwi kami sa isang kasunduan, na kung sino ang matalo sa bunong braso ay sya ang maghuhugas ng mga plato.
"Oo na! Hindi ka manlang naawa sa taong buntis." Reklamo ko dito at sinundan pa ng parinig. "Tayo na nga baby. Maghugas na tayo ng mga plato sabi ni Daddy."
Tumayo na ako at naglakad papunta sa kusina. Pero dahan-dahan. Baka kasi magbago pa ang isip nya. Hehe.
Tinatamad talaga ako. Sobrang lamig kaya!
Halos ibalot ko na nga ang katawan ko sa lahat ng damit na meron ako, tapos ngayon ay mapipilitan akong basain ang mga kamay ko ng tubig.
Malapit na ako sa pintuan ng kusina nang bigla nya akong tawagin.
"Miss!"
Yeeeeeeeeyyyyy!!!
"Yes, Myloves?" ^_^ Sabay lingon dito.
"Aakyat na ako sa kwarto. Goodnight."
-_-
Yun lang???? Tss!
"Oo na! Maghuhugas pa kami ni Baby ng plato kahit na mapuyat kami." Sabi ko pa dito nang naka-ingos.
"Okay."
Pagkasabi nya noon ay humakbang na sya papunta sa hagdan kaya tinalikuran ko narin sya.
"Hmp! Okay sana kung ang sinabi nya, akyat na ako sa kwarto. Sumunod ka mamya ha? Bilisan mo. Rawr! ... Ganern!"
"Ano?" Biglang tanong nya na ikinagulat ko.
"Wala! Walang awa!"
Pasado alas nuebe na nang matapos ako. Siguradong tulog na sya. Ngayon ay nasa second floor na ako ng bahay at papunta na sana sa kwarto ko nang mapadaan ako sa kwarto nya.
Tulog na nga kaya sya?
Kung hindi pa, ano kayang ginagawa nya?
Hindi ko napigilan ang hindi mapangiti nang maalala ko kung ano ang hitsura nya nung minsan na lumipat sya sa kwarto ko.
Ibig sabihin, nakaboxer shorts lang sya ngayon. >_<
Hmmm! Silipin ko kaya?
Tas ikikiss ko. Yieeeeee!
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...