MIK-MIK'S POV
Nag aalala ako kay JB. Ang daming article ang lumalabas tungkol sa issue samin. Hindi daw kasi nagawang sumagot ni JB sa itinanong ng reporter, kaya ngayon ay dumarami ang taong naniniwala na fake lang ang pagbubuntis ko.
Ano ang pwedeng mangyari?
Hays!
Sa wakas ay dumating na si JB.
Mabilis ko syang sinalubong.
"Myloves, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.
Agad naman syang ngumiti at niyakap ako, pagkatapos ay hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.
"Oo naman. Sobrang okay. Ipagluluto mo ako ng dinner?"
Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil kahit na mukhang hindi sya ganoon ka okay ay nagagawa nya pa rin na ngumiti.
Gagawin ko nalang ang lahat para mapasaya sya.
Sisiguruhin ko na mabubura ang lahat ng stress nya. ^_^
Una, ipinagluto ko sya ng paborito nyang budijae.
"Masarap ba myloves?" Nakangiting tanong ko nang tikman nya ang niluto ko.
Ngumiti sya bago sumagot.
"Masarap. Medyo parang naparami lang ng konti ang asin." Sagot nya.
"Hays salamat konti lang naman ang napasobrang asin di ba Myloves?"
Tumango sya at kumain na ng kumain.
Ikalawa ay binigyan ko sya ng foot scrub, katulad ng ginagawa ko noon.
Nagpa init ako ng bimpo at iyon ang ipinang linis sa mga paa nya.
Ang problema ay medyo napasobra ata ang init dahil napa-aray sya nang mapaso noon. Huhu.
Ikatlo ay nang matutulog na kami.
Sa guest room na ulit sya natutulog.
Dahil hindi naman naglolock ng pinto si Myloves ay pumasok na ako ng walang paalam. Madilim na sa kwarto nya dahil nakapatay na ang ilaw. Ang maliit na lampshade nalang nya ang nakabukas.
Nakita kong nakamulat pa ang mga mata nya kaya nasiguro kong gising pa sya. Mabilis akong lumapit.
"Myloves?" Tawag ko dito, sabay upo sa kama nya.
"Why are you still awake?" Tanong nya.
"Hindi pa ako inaantok. Babasahan nalang kita ng story." Sabi ko.
Tumingin naman sya sakin na parang nagtataka.
"How can you read me a story kung wala kang dalang book?" Sya.
Oo nga no? ^_^
"Eh kunwari meron. Imaginary book nalang. Ganern!" Ako.
Natawa naman sya sa sinabi ko.
Nagpatuloy nalang ako sa pagsasalita.
"Story ni Snow white nalang ang ikikwen-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya akong hinila pahiga sa kama nya, at saka mahigpit na niyakap.
"Hmm, Let's just sleep. Maaga pa tayo bukas." Sya habang nakapikit ang mga mata at yakap-yakap ako.
"M-maaga? I-isasama m-mo ako sa p-practice nyo?" Nauutal na sabi ko. Di ako makapag concentrate. Kinikilig kasi ako. Hehe.
BINABASA MO ANG
Carrying My Idol's Baby (GOT7's JB FF) KPOP IMAGINE ~ COMPLETED
Fanfiction"Tumutol ako sa kasal ng Idol ko kasi akala ko taping. Hindi ko naman akalain na mangyayari pala ang lahat nang dahil sa pagkakamali kong yun" -- This is a story of a fan girl that accidentally crossed her Idol's life. -- JB of GOT7's Fanfic :) ~~ S...