Author's note:

5.1K 142 68
                                    


                                    NOTE:

Gusto ko lang i-share ito sa mga katulad kong nagsusulat. Bago ako makulit ng bestfriend ko tungkol dito sa wattpad ay nauna niya akong sinabihan na magsend ng manuscript sa isang publishing company. Nang mga panahong iyon, banong-bano pa ako sa pagsusulat. Pero dahil nga nauto ako ng bestfriend ko, ginawa ko nga. Siyempre, na-reject ang ginawa ko at nakatanggap ako ng criticism, pero di ako tumigil. Tinanggap ko lahat ng criticism at nagpadala ulit ako ng manuscript ng paulit-ulit na pare-pareho ding na-reject.. Ang taas kasi ng standards nila, di ko maabot. Sabagay, hindi naman ako nag-aral magsulat, hilig ko lang talaga siyang gawin.

Hanggang sa ipinadala ko iyong last na manuscript na ginawa ko sa kanila. Muli, reject na naman at iyong criticism... Iyon ang sa lahat ay hindi ko tinanggap at kinasamaan ko ng loob kasi hindi totoo. Sinabihan akong nanggaya ng ilan sa mga naipublish na nila. Iyong sa mga eksena. Sa kauna-unahang pagkakataon, sinagot ko iyong editor.

Sinabi ko na bago ko gawin ang kuwentong iyon, nagresearch ako at nanood ng movies tungkol doon sa era, pero ni minsan, hindi ko ginaya iyong mga napanood kong eksena. Lalo na sa mga napublish na nilang stories, haler... Adik reader nila ako dati at pinag-aaksayahan ko talaga sila ng pera pero pili lang din ang nagugustuhan kong stories nila. Huh, ang dami-dami kong nababasa sa mga pinapublish nila na ginaya sa mga hollywood movies, manga at anime na ginagawan ng sariling version ng mga sikat nilang writers. Travis Castle iyong sinabihan nilang ginaya ko. Kayo na ang humusga sa story kong iyon.

Iyon ang huling beses na nagpadala ako sa kanila ng manuscript at kinamuhian ko ang genre ng romance. Muli akong nagsulat pero ibang genre na, nilagay ko na lahat ng klase. Tapos sabi ko, kapag nakagawa ako ng story na walang katulad, hindi man iyon sumikat atleast... Proud kong maisasampal iyong hard copy noon doon sa nagsabi. "Kung may chance..."

Kaya originally, pure pangasinan ang ginawa kong language ng Sir Blade. Wala akong balak magpublish sa wattpad ng kahit anong story ko pero kinulit ako ng bestfriend ko. Atleast, hindi lang iisang tao ang makakabasa at mariringgan ko ng opinyon, iyon ang sabi niya. Inuto pa nga niya ako at sinabihang magaling naman daw talaga ako, pero hanggang ngayon di ako naniniwala sa kanya. Two-months na wattpad ang bukambibig niya hanggang sa tuluyan na akong narindi... Kaya sige, trip-trip na lang at bahala na.

Kaya sa mga nakakatanggap ng mga criticism, gamitin niyo iyon para lalong kayong mag-improve. Ganoon ang ginagawa ko tuwing na-re-reject ang gawa ko. Pero salamat na rin sa nangyari dahil nalaman kong hindi romance na may pagkamakatotohanan ang genre na para sa akin. Mas mataas kasi ang lipad ng utak ko kaya malayo talaga sa katotohanan ang story na gusto ko. At tsaka, naging boring na sa akin iyon at nakaka-stress. Kaya sabi ko, gawa na lang ako ng story na mapagtritripan ko at pampatanggal ng stress. Pero mas masakit pala siya sa ulo, sa totoo lang.

Again, huwag niyong gagayahin ang story na ito kasi ito iyong gusto kong ipangsampal ang hard copy eh. Kaya nga sinasadya kong habaan talaga. Sana lang, may natutunan kayo sa sinabi ko. 'Yun lang... 

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon