9. Stage Play

2.4K 116 55
                                    

                   The Stage Play


"May ipagtatapat ka daw sa akin?" ang amaze na tanong ni Trade kay Blade.

Napakamot sa kanyang ulo si Blade at isang alanganing ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Nagmeeting silang magkakaibigan at napagkasunduan ng lahat o mas tamang sabihin na minurder siya ng lahat na dapat na niyang ipagtapat kay Trade na siya si Binibining Barangay para hindi na ito umasa at maghintay pa sa wala.

"Ang totoo niyan kasi eh... Nalase, kuwan... Ako si Binibining Barangay!" ang pagtatapat ni Blade.

Napabuka ang labi ni Trade sa kanyang narinig pero pagkatapos noon ay natawa siya ng mahina.

"Uy, Blade! Siguro pinagtritripan niyo na naman ako ano? Nag-usap-usap kayo para hindi ko na hanapin pa si Binibining Barangay. Sorry, pero na-kegtot my heart talaga eh..."

Nagpeace sign si Blade.

"Ako talaga siya. Teka lang, sandali..." sabay pahid ng red na lipstick sa kanyang labi.

Ang lipstick na iyon ay pagmamay-ari ni Dorothy, hiniram niya. Matapos niyang magpahid ng lipstick sa labi ay inilugay niya ang kanyang buhok at saka siya nagpose na pang beauty queen. Tumikhim siya at sinabi ang tanong at sagot sa question and answer portion ng patimpalak.

"The Question: If you had to live your life all over again, what part of your life would you change? Answer: None, I would not change even a single scene in my life. I am me because of what I have been through, changing any part of my life automatically changes my definition as a person, and I do not want that to happen."

Nanlaki ang mga mata ni Trade sa kanyang nakita at narinig. Habang tinititigan niya ng matagal si Blade ay mas lalo niyang napapatunayan sa sarili na totoo nga ang sinasabi nito. Isa pa, wala naman ito noong oras ng contest ah? At bakit alam na alam nito ang eksaktong sagot noong babaing nakabihag ng puso niya..?! Maliban na lang kung.... Ito nga si Binibining Barangay!

"Uminom ako ng potion para maging babae at makasali sa contest. Ginawa ko iyon para matulungan ang estudiyante kong si Wilbur. Binigay ko sa kanya ang napanalunan ko kasi malapit na ring manganak ang nanay niya, kailangan nila ng pera... Hindi ko naman intensyon na-"

BAG! Isang malakas na suntok ang napala ni Blade mula kay Trade kaya di na natapos ang pagpapaliwanag niya. Napaatras siya sa lakas ng suntok na dumapo sa kanyang mukha. Sinapo niya ang parteng nasuntok sa kanyang mukha at alanganing tumingin kay Trade na galit na galit.

"You son of a bitch!!!..."

"Animal, Sorry...!"

Gigil na gigil naman si Trade habang nakatingin siya kay Blade. Dinuro niya ito.

"Paano mo nagawa sa akin 'to?! Kaibigan pa naman kita!..." sumbat niya.

Dalawang kamay na ni Blade ang nagpeace sign.

"Hindi ko nga intensyon na ma-in love ka sa akin eh. Huwag kang mag-alala, bilang pampalubag-loob, hindi lang naman ikaw ang unang nabiktima ng makamandag kong alindog. Si Drake nga, ninakawan ako ng halik eh... YUCK!... Nalase, ayaw ko nang maalala iyon."

Frustrate na frustrate si Trade sa nalaman niya.

"Buong-buhay ko, naghanap ako ng taong makaka-kegtot ng heart kong mailap! Pero ikaw, sinira mo iyon eh! Akala ko, totoo na! Masakit, sobra! Sinaktan mo ako, dito, dito, dito, dito! Lahat!..."

Habang nagsasalita si Trade ay kung ano-anong parte ng katawan nito ang itinuro. Napaismid naman si Blade.

"Excuse me, wala pa naman akong ginawa sa'yo ah?"

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon