32. Words

1.7K 108 34
                                    


                                                        Words


Napaangat ng tingin si Vaulant nang makarinig siya ng mga papalapit na yabag. Nasa isang abandonadong gusali siya at mayroong hinihintay. Nakita niya ang bulto ng isang lalaki at sa kabila ng bumabalot na anino ng dilim ay kilalang-kilala niya kung sino iyon... Si Ike. Hindi alam ng mga kasama niyang fallen angels ang pakikipagkita niya sa huli dahil sobrang personal na bagay ang pakay niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader nang tuluyang makalapit sa kanya si Ike. Sapat na ang malamlam na liwanag ng buwan para makita niya ang mukha nito. Pasimpleng nagtiim ang mga bagang niya nang maalalang ito ay espiya ng mga archangels.

"Hindi ko inaasahan na magpapadala ka sa akin ng mensahe at nanaisin mong makausap ako." ang bungad ni Ike.

Seryoso siyang tumingin sa mukha ni Vaulant. Kitang-kita niya ang matalim nitong titig... Kung nakakamatay lamang iyon. Isang mapaklang ngisi ang namutawi sa labi ni Vaulant.

"Mas hindi ko inaasahan na magpapakita ka pa sa akin ngayon... Alam mo na, pagkatapos kitang alisan ng mga pakpak." ang sarkastiko nitong wika.

Nagkibit-balikat si Ike. Ipinakita niya kay Vaulant na hindi siya apektado sa sinabi nito.

"Hindi naman tungkol sa personal nating laban ang ating pag-uusapan, di ba? Tungkol naman ito kay Barbara at sa anak niya." ang makahulugang wika ni Ike.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Vaulant. Pasimple niyang sinapo ang noo. Pumipintig ang mga ugat niya... Nagagalit kasi siya at kapag nakakadama siya ng ganoong emosyon ay lumalakas ang dugo ng demon na dumadaloy sa kanyang sistema. Pinagsama-sama pa naman iyong dugo ng pitong prince of hell. Ganoon pa man ay nagpapasalamat siya dahil nasa sarili pa rin siyang katinuan.

"Si Barbara, kailan pa siya bumalik?" ang tanong kaagad ni Vaulant.

Ilang sandaling nagpalipas si Ike bago magsalita.

"Sandali pa lang siyang nakabalik."

"At may asawa na pala siya?"

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Ike at saka bahagyang napailing. Napakunot ang noo naman ni Vaulant dahil sa inakto ng kanyang kausap.

"Wala pang asawa si Barbara. Dalaga pa rin siya."

Napakurap si Vaulant matapos niyang marinig ang sinabi sa kanya ni Ike.

"Kung ganoon, gusto kong malaman kung sino ang ama ng anak ni Barbara." ang prangkang wika ni Vaulant.

Ngumiti ng matipid si Ike sa kanyang kausap.

"Ah... Claiming a parental right..?"

"I'm just curious and I don't care anything about that woman."

"Kung ganoon bakit nandito pa tayo kung wala ka namang pakialam?"

Ilang sandaling natigilan si Vaulant. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao niya.

"Just answer me!" ang pikon at paangil niyang wika.

Napahalukipkip si Ike at napasandal sa lumang pader na nasa gilid niya.

"Ako ang ama ng bata, Vaulant." ang walang gatol na sagot ni Ike.

Tila isang bombang sumabog sa pandinig ni Vaulant ang salitang binitiwan ng kausap niya. Ilang sandali siyang natigilan hangang sa hindi na siya nakapagpigil. Sa isang iglap lang ay nakalapit na siya kay Ike at mariing dinaklot ang kuwelyo ng damit nito.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon