22. Beautiful in White

2.2K 111 26
                                    


                                                         Beautiful in White


Panay ang hinga ng malalim ni Baste habang nakatingin siya sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng t-shirt na may kuwelyo at kulay-black iyon. May design itong pulang-guhit sa gitna na may logo ng cute na bear. Sa totoo lang, sobra siyang kinakabahan sa blind date na si-net nina Drake at Blade... Ang mga makakablind date niyang babae ay ang mga listeners ni Drake sa radio program nito tuwing hating gabi bilang si Mr. Midnight.

"Abuwisit ak pa, Baste! Bakit ang tagal mo diyan? Malapit nang mabasag iyang salamin sa kakatitig mo sa sarili mo." ang sita ni Drake.

Nakaupo siya sa sala at abalang tinitingnan si Baste sa pag-aayos ng sarili. Kasama din nila si Blade pero tahimik lang ito dahil naglalaro ng app game sa cellphone.

"Eh kinakabahan ako Kuya Drake eh... Ngayon lang ako makikipagblind date. Umubra kaya ito? Tsaka si Kuya Crescent, dapat siya ang maunang makipagblind date sa aming dalawa ah?" ang napabuntung-hininga na wika ni Baste.

"Hmf! Hayaan mo na nga ang maarteng Kuya mo na iyon. Bahala siya sa buhay niya, ayaw niya eh. Tsaka hindi ka dapat na kabahan, guwapo ka naman eh. Isang professional, mabait at responsable. Wala kang dapat na ikatakot dahil tiyak na baka ang mga babaing iyon pa ang manligaw sa'yo kapag nakita ka."

"Sana lang, Kuya Drake. Basta tulungan niyo akong kumilatis ng babae ah? Medyo wala akong alam sa ganito eh." ang kabadong wika pa ni Baste.

Wala naman kasi siyang inatupag kundi ang trabaho niya at ang alagaan ang tatay niya... Hindi naman siya malungkot maging single dahil naging choice niya iyon. Hindi kasi siya katulad ng iba na kaya single dahil naging sawi sa pag-ibig. Wala lang, hindi kasi siya nakakita ng magpapatibok ng puso niya at ngayon nga ay biglang-bigla siyang maghahanap. Alang-alang sa mahal niyang tatay at para na rin sa kanyang sarili... Naalala niya tuloy sina Alexa at Hydrian na mayroon nang cute na baby Sebastian... Aaminin niya, naiinggit siya... Kaya sige na!

Ini-exit naman na ni Blade ang nilalaro niyang game app at saka napatingin kay Baste. Halata nga sa mukha nito ang kaba. Tumayo siya at nilapitan niya ang binata. Tinapik niya ang kanan nitong balikat.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin ni Drake na kilatisin ang mga ka-blind date mo. Hindi ka namin hahayaang mapahamak dito. Basta tiwala lang at samahan mo na rin ng taimtim na pagdarasal na ibigay na sa'yo ang iyong the one."

Napalunok si Baste.

"Kaninang umaga pa nga ako dasal ng dasal eh." ang pakli.

"Anak na lase, mabuti, mabuti... Kung ganoon, lumakad na tayo. Nakakahiya naman kung iyong mga babae pa ang paghihintayin natin. Isa pa, para madami tayong makilatis. Kung nanonood ka ng palabas na 'the bachelor' eh parang ganoon ang gagawin natin. Iyon nga lang ay isa-isa natin silang i-interview-hin."

Napakamot sa kanyang pisngi si Baste, hindi niya alam na ganito pala ang plinano ng dalawa.

"Para naman na palang audition 'to eh. Hindi na yata date?" ang medyo nagrereklamo niyang wika.

"Basta, tiwala lang!" si Blade.

"I agree! Tara na!" si Drake.

Wala nang nagawa pa si Baste nang hilahin na siya ng dalawa palabas ng bahay. At si Lolo Gusting, tuwang-tuwa sa nakita niya. Sana lang eh makahanap kaagad ng kapareha ang binata niya. Dumiretso ang tatlo sa isang restaurant at kinuntsaba nila ang mga crew doon. Nakaupo sila sa pang-apat na mesa. Napatingin sa kanyang relo si Drake, maaga sila ng sampung minuto sa oras na napag-usapan.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon