28. Fallen Angel

1.7K 107 18
                                    


Fallen Angel

"Si Ike, hindi ako makapaniwala na siya pala ang espiya ng mga archangels. Ni hindi ko man lang nahalata..." ang mahinang wika ni Hideus.

Nagkatinginan silang magkakasama pero walang nagsalita. Lahat sila ay nagulat. Naging mabuti at magaling na comrade sa kanila si Ike.

"Tsk! Ako rin, sobrang nabigla. Lubos ko pa naman siyang pinagkatiwalaan. Hindi na sana ako magugulat kung isa sa inyo ang traidor pero kung sino pa ang hindi ko pinaghihinalaan... Buwiset!" ang hindi nakatiis na wika ni Vaulant.

Isa namang mahinang tawa ang kumawala kay Tumand. Napasuklay ito sa bangs na bahagyang tumabing sa mukha.

"Ang Ike na iyon, masyado siyang magaling umarte. Akalain niyong napasakay niya tayong lahat sa loob ng mahabang panahon? Dapat siyang turuan ng leksyon na nababagay sa mga traidor na katulad niya." ang galit niyang wika.

Natawa din ng mahina si Vaulant at ang tawa nito ay unti-unti nang lumakas. Tila nainsulto naman si Tumand sa iginawi ng huli. Bahagyang nagtiim ang kanyang mga bagang at naiinis na tumitig sa kasama.

"May nakakatawa?" ang tanong ni Tumand na napataas na ng kilay.

Napatigil sa pagtawa si Vaulant at saka nakakalokong ngumiti sa mga kasama niya na medyo nagtaka sa kanyang iginawi. Nananatili ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Huwag na kayong mag-abala pa na turuan ng leksyon si Ike dahil nagawa ko na ang bagay na iyon." ang nangbibitin niyang wika.

"Talaga? At ano naman ang ginawa mo?" si Tumand.

Makahulugang tumingin si Vaulant sa lahat.

"Siniguro kong magiging isa na siyang walang-silbing anghel. Binunot ko at sinunog ang mga pakpak niya. Kung nakita niyo lang sana kung gaano nagpakasakit si Ike nang alisin ko ang mga iyon sa likod niya. At natitiyak ko, mas higit pang pasakit ang mararamdaman niya dahil sa pagkawala ng mga pakpak niya. Wala na siyang silbi."

"Kawawang Ike... Pero hindi ako dapat maawa sa kanya. Bagay sa kanya iyon. Anyways, mukhang tuluyan ka nang nagbago ng anyo, Vaulant. Demonyo ka na rin talaga ano?" ang sita naman ni Bony.

Hindi na siya nakatiis na manahimik. Tumingin naman si Vaulant sa kanyang kanang-kamay hanggang sa may braso.

"Ang totoo niyan, hindi pa ako matatawag na pure demon dahil may natitira pang kaunting pure divine soul sa aking katawan. Hindi ko iyon maalis at ayaw sabihin sa akin ng pitong demonyo kung paano ko magagawa. Hay, masyado nila akong pinahihirapan."

"What do you expect, Vaulant?" si Hideus.

Natigilan ng ilang sandali si Vaulant at saka nangingiting nagkibit-balikat na lang sa lahat.

Samantala... Nasa may terrace ng bahay ni Zech ni Blade. Doon dinala nina Hunter, Creta at Drake si Ike para magamot. Maayos na ang lagay nito ngunit wala na... Hindi na maibabalik pa ang mga nawala nitong pakpak. Ilang araw na ring naroon si Ike at walang-malay. At palagi siyang bumibisita para kamustahin ito, kaya lang ay ni minsan... Hindi siya nagtangkang tingnan si Ike. Ewan niya, wala siyang mukhang ihaharap.Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin siya sa tunay nitong pagkatao.

"Masyado yatang malalim ang iniisip mo? Baka malunod ka na niyan."

Napatingin si Blade sa nagsalita at nakita niya si Saint Michael. Ni hindi niya namalayan ang pagdating nito. Pasimple siyang ngumiti ng matipid pero malungkot ang mga mata niyang tumingin.

"Patawad, Kuya... Hindi ko nagawa ang inutos mo sa akin. Napahamak pa rin si Ike." ang wika niya.

Hindi umimik si Michael pero naglakad siya palapit kay Blade. Seryoso siyang tumingin dito at marahan niyang tinapik ang kanan nitong balikat. Napamulsa siya sa kanyang suot na hoodie na sleeveless.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon