16. The Unfinished Business II

1.9K 123 15
                                    


                                         The Unfinished Business II


Napahalukipkip si Michael habang nakatitig siya sa mukha ni Satan. Isang pilyong ngiti ang namutawi sa labi niya nang makita niya ang pasa sa kanan nitong pisngi na malapit sa labi. Hindi naman sinasadya ang pagkikita nila ngayon... Nasa isang luma silang coffee shop at medyo tago ang kinaroroonan ng lugar na iyon. Gayon pa man ay dinadayo pa rin ang lugar ng mga tao dahil sa masarap na timpla ng kape. Kakaunti nga lang ang customers ngayong araw.... Nakaupo ang dalawa sa pandalawahang mesa na nasa gilid kung saan salamin ang dingding. Sa side ni Satan ay makikita ang napakadilim na kalangitan dahil sa makapal na ittim na ulap na tila nagbabadya ng malakas na bagyo. Kabaliktaran naman ang kay Michael dahil makakapal na puting-ulap na nagliliwanag ng kulay-ginto ang nasa likuran nito at napakaaliwalas ng asul na langit...

"Bakit mo ako gustung makausap?" ang simpleng sita ni Michael.

Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Satan. Nang-iinsulto itong tumitig sa kanyang mukha. Uminom muna ito ng mainit na black-coffee bago magsalita.

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na marami na akong tagasunod ngayon... Tiyak na sa akin na ang tagumpay sa susunod na digmaan." ang mayabang na wika ni Satan.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Michael at pasimpleng napahawak sa punong-baba niya.

"Naniniwala ako na mas marami pa rin ang mabubuti kaya huwag kang maging kampante. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog."

Uminom din sa sarili niyang cup si Michael, taliwas sa inumin ng kanyang kaharap ay marami ang cream ng kape niya.

"Ikaw ang huwag maging kampante. Tandaan mo lang na ang mga tao, madaling matukso sa kasalanan. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay inaakalang mabuti sila at walang-bahid ng kasalanan.. Ha ha ha ha, isang malaking kalokohan ang kanilang paniniwala. Napaka-ipokrito ng mga mahihinang mortal na tao, alam na alam ko ang mga lihim nilang kasalanan... Nakakatawa, iyong iba nga ang inaakala ay sumasamba sa panig niyo Michael... Pero ang totoo niyan, ako ang sinasamba nila at masarap iyon sa pakiramdam. Bulag na bulag nga sila eh.... Gustung-gusto talaga ng mga tao na niloloko nila ang kanilang mga sarili."

"Ganoon ba?" ang simpleng wika na lang ni Michael.

Ayaw na niyang patulan ang mga patutsada ni Satan kahit pa nakakabahala ang mga sinasabi nito dahil totoo. Marami nang mga tao na hindi alam na sumasamba na pala sila sa satanismo dahil sa mga nagkalat na sekta at kung ano-ano pang kulto.

"Yeah. Anyways... Inaasahan kong maaasar kita sa lahat ng sinasabi ko. Pero mukhang nabigo yata ako sa aking agenda. How dare you 3x a day..." ang tila napipikon na wika ni Satan.

"Wala namang nakakaasar sa mga sinabi mo." ang kalmadong wika ni Michael.

Nanggigigil na tumitig sa kanya si Satan at pagkatapos noon ay mabilis nitong tinungga ang laman ng cup nito. Marahas itong tumayo sa kinauupuan.

"At saan mo naman balak na pumunta?" ang sita ni Michael.

"Relax my dear... Hindi muna ako maghahasik ng lagim dahil hindi pa naman napapanahon. Pupunta lang ako sa kung saang tabi-tabi para maghanap ng mga legendary pokemon..."

Napakurap si Michael at amaze na napatitig kay Satan. Umatras ito ng ilang hakbang at nangingiti itong dinuro siya.

"Hindi mo naman siguro ikakasama ng loob kung ililibre mo ako ngayon ng kape?"

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon