24. The Royal Rumble

2K 110 28
                                    


               The Royal Rumble


Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Bony at medyo nang-aasar siyang tumitig kay Astaroth na isa nang demon ngayon. Napansin naman ng huli ang kanyang ginawa at napakunot-noo itong tumitig sa kanya pabalik.

"Bakit ka nakangisi ng ganyan?" ang sita pa ni Astaroth kay Bony.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Bony.

"Yaman din lamang na nabanggit mo si Blade... Eh sayang, Astaroth... Kanina lang ay nakita namin siya ni Ike sa tabi-tabi... Sayang talaga..." ang napailing pa na wika niya.

"Ako rin, nakita ko si Blade sa tabi-tabi kanina." ang singit naman ni Leviathan.

Dahil doon ay salitang napatingin si Astaroth kina Leviathan at Bony. Pagkatapos noon ay mariin niyang naikuyom ang mga kamao niya at naiinis na napatingin sa dalawa.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin?!" ang kastigo niya sa mga ito.

Napakibit-balikat si Leviathan at isang mapang-asar na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.

"Eh busy ka pa kasi sa pagpapabida eh. Ngayon, bahala kang maghanap kay Blade sa kung saang tabi-tabi. Hindi ka naman siguro mahihirapan dahil pakalat-kalat lang naman ang patay-gutom na anghel na iyon." ang balewala niyang wika.

"Tama. Tiyak ngang pakalat-kalat lang sa kung saang tabi-tabi si Blade. Kaya Astaroth, hanapin na natin siya. Gustung-gusto ko nang makita ang inyong pagre-reunion." ang singit naman ni Satan.

"Kung ganoon, tara na. Bukod kasi kay Blade ay may mga batang pasaway pa akong kailangang hanapin." ang pakli naman ng huli.

Nauna nang lumakad palabas ng headquarters si Astaroth. Sa totoo lang ay nasasabik na siyang makalanghap ng sariwang-hangin sa labas... Pagkalabas niya ay pinuno niya ang baga niya ng hangin at nakaginhawa iyon sa kanyang pakiramdam. Ibang-iba ang hangin dito kumapara sa lugar na kanyang pinanggalingan.

Samantala... Excited na napatingin si Conrad sa plato niyang may lamang carbonara na niluto ng mga ate niya. Umuusok pa nga iyon. Kinuha niya ang tinidor at kaagad na kumuha ng pagkain. Hinipan-hipan muna niyang maigi bago siya tuluyang sumubo. Napatingin naman sina Karen at Rane kay Conrad.

"Ano? Kamusta ang lasa?" ang tanong kaagad ni Karen.

"Masarap ate! Teka, bakit ba bigla kayong nagluto nito? Wala namang may birthday ah?" ang maang na tanong ni Conrad.

Napatingin si Rane kay Karen bago siya magsalita.

"Wala nga. Pero kasi, malapit na ang pasukan at kailangan na naming magpasign ng clearance kay Sir Blade. Kaya ayan, pinagluto namin siya." ang paliwanag niya sa nakababatang kapatid.

Amaze na napatingin sa kanilang dalawa si Conrad.

"Eh magpapapirma lang pala kayo kay idol Blade, bakit niyo pa siya ipinagluto?" ang makulit pa nitong tanong.

"Kasi naman, ako at ang ate Rane mo eh hindi nakagawa ng project na pinapapasa ni Sir Blade. Wala na kaming oras. Kahit ganoon iyon si Sir Blade eh istrikto kaya siya sa klase. Hindi lang halata. Pero, alam na namin ang kahinaan niya at natitiyak kong hindi siya makatatanggi. Wa ha ha ha ha!" si Karen.

Tumawa pa talaga siya na parang isang mangkukulam. Wala lang, feel lang niya. Kasalukuyan namang naglalagay si Rane ng niluto nilang pagkain sa tupperware. Mamaya na muna niya tatakpan dahil mainit pa. Napangiti siya nang maalala niya si Blade, tiyak na hindi ito makakatanggi sa kanilang bribe.

Samantala... Tinapik ni Hunter ang kamay ni Blade dahil wala na itong ginawa kundi ang tumikim sa ube haleyang niluto nila. Kasalukuyan na silang naglalagay sa mga tupperware at maya-maya lang ay handa na silang magtinda.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon