51. The Sideline

1.6K 96 32
                                    

             The Sideline

“Ouch! Be careful!” ang reklamo ni Trade.

Napahawak siya sa kanyang mukha dahil pakiramdam niya ay matatanggal na ang balat noon. Napaismid naman sa kanya sina Hunter at Drake.

“Abuwisit ak pa! Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na maglagay ka ng aspalto diyan sa pagmumukha mo? Pati kami dito,problemado na.” ang sermon ni Drake.

“This is not an asphalt cement,okay?” ang medyo napasimangot na wika ni Trade.

Napahalukipkip naman si Hunter at bahagyang napailing habang nakatitig kay Trade. Iilan pa lang ang natanggal nilang itim na mudpack sa mukha nito.

“Pinagsabihan na kita na huwag kang bili ng bili ng kung anu-ano sa online. Mas okay kapag nakikita mo ng personal ang bibilhin mong produkto.” ang di napigilang sermon ni Hunter.
Bahagyang napasimangot si Trade.

“It's my fault,I know... Plus,nakatulog kasi ako kagabi nang hindi natatanggal itong mudpack sa mukha ko. Nakalimutan ko.” ang mahina niyang paliwanag.
Dahil sa narinig ay halos magkasabay na nasabi nina Hunter at Drake ang mga katagang...

“Abuwisit ak pa!”

Samantala... Panay ang tingin ni Blade sa mga nakadisplay na pastries. Nandito siya ngayon sa bakery nina Grimm para bumili ng pandesal para sa kanilang almusal. Abala kasi sina Drake at Hunter sa mukha ni Trade. Tumigas iyong mudpack sa mukha ng huli. Napailing na lang siya sa isiping iyon. Mabuti na lang at hindi siya adik sa online shopping. Wala naman siyang pambili! Nawala ang iniisip niya nang makarinig siya ng tikhim. Pagtingin niya sa pinanggalingan noon ay nakita niya si Andy na nakangiti ng matipid. Ito lang naman ang istriktong tatay ni Grimm pero sa nakikita niya wala namang dapat ikatakot dito lalo na masarap itong gumawa ng pastries.

“Magandang umaga. May napili ka na ba?” ang bungad pa nito sa kanya.

Napangiti pabalik si Blade.

“Bibili lang ako ng pandesal. Fifty-pesos.” ang sagot niya.

Matamang napatitig si Andy kay Blade.

“Iyon lang ang bibilhin mo?”

Napaisip sandali si Blade hanggang sa maalala niya na bibili din pala siya ng dalawang supot na pulboron. Pasalubong niya iyon para sa mga bata sa school. Pambawi niya dahil wala siya sa bahay noong nag-effort ang mga ito na dalawin siya.

“Nalase,muntik ko nang makalimutan. Bibili din pala ako ng pulboron,dalawang supot.”

Kaagad na kumuha si Andy ng dalawang supot na pulboron.

“Enjoy sa pagkain.” ang wika na lang niya.

“Ah,Oo! Siguradong mag-eenjoy ang mga bata sa pagkain nito.”

“Mga bata?” ang na-amaze na bulalas ni Andy.

“Mga estudiyante ko sa school.” ang maikling paliwanag ni Blade.

Napailing ng bahagya si Andy.

“Hindi kaya kulang iyang dalawang supot ng pulboron?” ang di niya napigilang komento.

“Sapat na iyan. Tig-iisang piraso lang sila. Pagtiyagaan nila dahil kapos ako sa pera. Di pa ako sumusuweldo.”

Napakurap si Andy kay Blade. Mas higit kasing kilala ito ni Grimm kaysa sa kanila ni Andrey. Napabuntung-hininga siya.

“Teka,yaman din lang na kapos ka sa pera... Aalukin kita ng sideline bukas. Medyo lalakihan ko ang bayad dahil may kalayuan ang location ng venue.” ang umpisa ni Andy.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon