13. Battle Royale II

1.9K 117 29
                                    


                                               BATTLE ROYALE II


"Ano bang ginagawa natin dito? Hindi ba dapat ay nagprapraktis na tayo para sa magiging match natin mamaya?" ang amaze na tanong ni Ike kay Leviathan.

Kasalukuyan silang nasa basement ng kanilang headquarters.

"Tama si Ike. Dapat na tayong magpraktis dahil kailangan nating matalo ang team ni Blade mamaya. Dapat natin silang ipahiya sa laban. Hindi ito simpleng kompetisyon sa pagitan natin." ang segunda naman ni Tumand.

Nagsign ng tama na si Leviathan.

"Chill lang kayo diyan. Nandito tayo para hintayin ang pagdating ng ating resbak. Malaki ang maitutulong niya." ang makahulugang wika ni Leviathan.

"Resbak? Sinong resbak?" ang nagtatakang tanong naman ni Hideus.

Tumawa ng mahina si Leviathan.

"Malalaman niyo rin kapag nandito na siya. Huwag kayong mainip."

Ilang sandali pa ay yumanig ang buong paligid kasunod noon ang paglitaw ng asul na apoy sa pentagram na gawa sa dugo. Umangat sa sahig ang mga dugo at kumulo sa init ng apoy. At mula sa dugo na iyon ay unti-unting nabuo ang anyo ng isang tao, isang lalaki. Si Satan na nakasuot ng pulang cap na may tatak ng Team Guwapings at ang jacket nitong kulay-pula din na may tatak din ng nasabing team. Isang simpleng puting t-shirt ang panloob nitong damit, itim na maong na pantalon at pulang rubbershoes. Ngumiti ito sa lahat.

"Hello everyone!" ang masigla nitong bati.

Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa labi ni Leviathan at saka tumingin sa mga kasama.

"Guys, si Santi ang magiging coach natin. Tiyak na malaki ang maitutulong niya sa laro natin mamaya." ang anunsyo pa niya.

Amaze lang na napatitig ang mga fallen angels sa hari ng kadiliman. Medyo hindi sila makapaniwala.. Nagsalita si Satan.

"Tama si Levi, ako ang magiging coach niyo sa laban. Kaya ang masasabi ko lang... Let's get it on!" ang malakas nitong sigaw.

Dahil doon ay napasigaw ang lahat dala ng kanilang kompiyansa sa magiging laban mamaya.

"Let's get it on!!..." ang halos sabay-sabay na sigaw ng lahat.

Samantala... Kasalukuyang nagpapahinga ang grupo ni Blade dahil katatapos lang nilang magpraktis ng larong basketball. Pinaghahandaan nila ang kanilang laro mamayang hapon. Natuklasan nila sa kanilang praktis na magaling si Trade sa larong ito kaya napagpasyahan nilang lahat na ito ang maging ace player ng kanilang team. Nasa luma silang basketball court na malapit lang sa bahay nila Lolo Gusting. Napahinto sa pagpupunas ng kanyang pawis si Blade ng dumating si Azrael na may dalang makakain na meryenda, suman.

"Galingan niyo sa laro niyo mamaya ah? Manonood ako at magche-cheer." ang nakangiti nitong wika.

Sutil na tumingin si Blade sa mukha ni Azrael.

"Ikaw, magkaliwanagan nga tayo. Kapag kami, nanalo sa game namin mamaya, dapat ipakilala mo na sa amin ang babaing dinedate mo. Isama mo sa celebration natin." ang hamon ni Blade.

"Kaya nga. Ang tagal mo nang itinatago sa amin iyan ah? Ipakilala mo naman sa amin." ang segunda ni Hunter.

Tapos ay nagsalita na rin sina Zech, Drake at Creta. Pinagtulungan na talaga nilang lahat si Azrael.

"Oo na! Basta ang usapan, kapag nanalo kayo sa game niyo mamaya."

"Anak na lase! Ipapanalo namin iyon." ang kampanteng sagot ni Blade.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon