33. The Outing

1.8K 112 32
                                    


                                             The Outing


Isang kakaibang ngisi ang namutawi sa labi ni Leviathan nang makita niya ang anak ni Hydrian na kalong ng nanay nito. Kaagad siyang lumapit sa mag-ina at naging handa naman kaagad si Hydrian sa mangyayari kung sakaling may kakaibang gawin ang Prince of hell sa kanyang mag-ina. Titig na titig naman si Leviathan kay baby Sebastian habang lumalapit siya dito. Nang tuluyan na siyang makalapit ay pasimple niyang pinisil ang mauumbok nitong pisngi na mamula-mula.

"What a cute little demon eh...?" ang bulalas pa niya.

WAPAAK!!! Isang malakas na suntok ang ipinadapo ni baby Sebastian kay Leviathan at napaatras ang huli. Nasapo nito ang ilong na nabali pero kaagad nitong inayos. Umagos ang dugo doon. Naiinis na napatingin ang Prince of hell sa baby at kaagad na pinunasan ang dugo na umagos mula sa ilong niya.

"Malditong bata! Anak ka ng tatay mo! How dare you 3x a day!"

Iyon nga lang ay bumelat lang si baby Sebastian at hindi na nakapagpigil si Alexa. Natawa siya sa ginawa ng anak niya.

"Anak, bad iyon." ang wika niya.

"Buuud!!!..." ang wika ng bata at saka dinuro pa si Leviathan.

Napangiti lang si Alexa sa nakita at tuwang-tuwa naman sina Blade sa ginawa ng kanilang inaanak, nag-apiran pa nga ang mga lalaki. Maya-maya pa ay may dumating ng jeep. Iilan lang ang pasero noon at napuno iyon nang sumakay silang lahat. Magkatabi sina Blade at Leviathan. Katabi naman ni Trade si Drake at sina Ike at Ana ang magkatabi sa tapat ng mga ito.

"Tsk... I give up..." ang mahinang pakli ni Trade.

Napatingin si Drake sa katapat nila sa upuan, masayang nag-uusap sina Ana at Ike.

"Bakit naman?"

"Mas bagay sila at ang kaguwapuhan ko ay hindi pang third party o pang kontrabida. Halata namang nakatadhana ako para sa iba. Kaya lang, hindi pa kasi kami nagtatagpo pero willing naman akong maghintay kahit matagal pa siyang ibibigay sa akin." ang pakli niya.

"May punto ka diyan. Basta, tiwala lang. Darating din ang para sa'yo." ang sagot ni Drake.

Panay naman ang tingin ni Leviathan sa mga kasama ni Blade at medyo naiilang siya kasi nakatutok lahat ang paningin sa kanya. Lalo na iyong tingin ng mga anghel at bampira, isama pa ang dalawang demon... Talagang binabantayan siya ng husto.

"Ahm... Maganda ba sa Antong Falls na iyan?" ang pasimpleng tanong ni Leviathan kay Blade.

"Huh, Oo! Maganda doon. Kaya lang hindi puwede sa mga maaarte kasi malayo ang lakaran. Bawal doon ang mahina ang stamina."

Mayabang na napangisi si Leviathan.

"Huwag mong kalimutan kung sino ako, Blade... Hindi ako isang weak."

"Wala akong sinasabing weak ka..." ang mapang-asar na sagot ni Blade.

Sinapo naman ni Rane ang noo dahil katapat nila ni Conrad ang dalawa sa upuan at nag-uumpisa na ang iringan ng mga ito. Kumuha siya ng isang cookie sa kanyang bag at saka siya kumain. Binigyan din niya si Conrad na tahimik din pero titig na titig sa dalawa. Halatang ramdam din ng bata ang tensyon sa pagitan ng anghel at demon.

Samantala... Mariing nakatitig si Vaulant sa alak na nasa shoting glass na hawak niya. Kakaunti na lang iyon. Napatingin siya sa bote ng rhum na kalahati na lang ang laman. Nasa terrace siya ng headquarters. Nakarinig siya ng mga boses at nabaling ang atensyon niya doon. Dumating si Beelzebub na may dalang lumang kahon, kasama nito ang iba pang fallen angels at mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan. Napasandal siya sa balaster.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon