54. Remember Me

1.5K 95 22
                                    


                     Remember Me

Napatitig si Ike kay Ana matapos niyang marinig ang ikinuwento nito tungkol sa mga sinabi ni Ziggur. Kung ganoon, mayroon talagang dahilan kaya nito nilapitan ang dalaga. Sa ngayon ay nasa hardin sila ng bahay ni Zech at nag-uusap. Nasa maliit silang gazebo.

"Medyo nakakagulat iyan, Ana." ang tanging nasabi ni Ike.

Napangiti ng matipid si Ana, nakikita niya na hindi inaasahan ni Ike ang nalaman. Tahimik naman si Zech. Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ang dalaga ngunit kitang-kita nila ni Ike ang takot at pag-aalala sa mukha nito. Napabuntung-hininga siya. Nawala ang iniisip ni Zech nang muling magsalita si Ana, na kay Ike ang atensyon nito.

"Alam kong nakakagulat, Ike. Maski ako halos ayaw paniwalaan ang mga narinig ko ngunit tinawag akong Constanza ni Tumand." ang wika niya.

Napatango ng bahagya si Ike. Kumuha siya ng chocolate chip cookie na nasa plato, kumagat siya. Nilulon muna niya ang kinakain bago magsalita.

"Mas makabubuti na iwasan mo muna si Ziggur. Kapag kasama mo kasi siya mas magkakaroon ng pagkakataon na magkrus ang landas niyo ni Tumand. At kapag nangyari ang bagay na iyon, hindi natin alam ang panganib na puwedeng maidulot sayo. Sana lang ay hindi na maulit ang inyong pagtatagpo dahil magiging komplikado ang lahat."

"Sang-ayon ako kay Ike. At kung sakali mang magkrus ang landas niyo ni Tumand nang hindi sinasadya, magkunwari ka na lang na hindi siya kilala at lumayo. Hindi ka naman niya siguro sasaktan kung ibang tao ka at walang ginagawang masama sa kanya." ang hindi nakapagpigil na wika ni Zech.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Ana. Iyon nga ang ginawa niya noong makita niya si Tumand. Sana lang ay hindi na niya ito makita pa.

Samantala... Bago umuwi ng bahay ay inihatid muna pauwi nina Blade at Trade si Rane. Pagdating na pagdating ng bahay ay kaagad na naligo si Blade dahil puno ang katawan niya ng alikabok dahil sa ginawang paggapang sa kisame para lang matakasan si Leviathan.

"Abuwisit ak pa! Basta sa pagkain, mahina ka din eh." ang sermon ni Drake.

Sa ngayon ay natapos na sa paliligo si Blade, nakabihis na at nagpupunas ng basang buhok gamit ang tuwalya na nakasampay sa mga balikat.

"Nimal! Sa kakulitan ni Leviathan, ginutom ako eh. Hindi ko naalala na patapos na iyong epekto ng potion."

Naamoy nila ang mabangong niluluto ni Hunter na ulam para sa kanilang hapunan.

"Ayeeh! Mukhang makakabawi ako ng kain!" ang masiglang wika pa ni Blade.

Mayabang naman na ngumiti si Drake sa kanyang bestfriend.

"Talagang mapaparami ka ng kain kasi sariwa ang mga gulay na ginamit. Aba, nag-ani kami kanina ni Hunter sa garden natin. Maraming talong, okra, ampalaya at kamatis ang namunga. Nanguha din kami ng bunga ng kamote, siguradong matamis iyon."

Habang nagsasalita si Drake ay tila nag-aalburuto ang tiyan ni Blade kasi naman ini-imagine ng huli ang nalutong ulam. Amoy na amoy na nga nila ang halimuyak mula sa kusina.

"Tsk! Basta ako, ayaw ko ng okra ah. Malaway!" ang biglang react ni Trade habang prenteng nanonood ng balita.

Napatingin tuloy sa kanya ang dalawa at saka siya inismiran. Umirap na lang siya, anong magagawa niya eh sa hindi niya type ang gulay na okra?

"Nalase! Kung makapagsabi ng laway sa okra akala mo naman hindi nakikipaglips to lips!" ang hindi napigilang komento ni Blade.

Napaubo si Drake sa sinabi ng bestfriend niya at saka natawa. Namula naman ang mukha ni Trade, umiwas ng tingin at sinabing...

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon