1. The Army

2.4K 122 13
                                    


                              "The Army"

Bahagyang nagulat si Hunter ng buksan niya ang pinto ng bahay at mabungaran ang nakangiting mukha ni Uriel. Biglaan ang pagdating nito at wala siyang ideya kung bakit sila nito pinuntahan. Pinapasok niya ito sa loob ng bahay.

"Ano ang atin?" amaze niyang tanong.

Pasimpleng tumingin sa paligid si Uriel at saka tumitig sa mukha ng kanyang kaharap.

"Nasaan ang mga housemates mo?" sa halip ay tanong niya kay Hunter.

"Umalis si Drake. Mayroon siyang pinuntahan. At si Blade naman, nasa banyo. Malamang, nag-oorasyon na iyon." natatawang wika ni Hunter.

"Nag-oorasyon?" napataas na kilay na wika ni Uriel.

"Eh kasi nagdala ng isang buwig na saging si Lolo Gusting dito no'ng nakaraang linggo. Isinabit namin iyon sa may kumedor at si Blade, wala nang ginawa kundi papakin iyong mga nahihinog na bunga ng saging sa buwig. Dinaig pa niya ang unggoy. Tapos, bigla din siyang naging aburido kasi mag-iisang linggo na raw siyang hindi nag-a-I can't fight this feeling. Hanggang sa heto na nga. Nag-I can't fight this feeling, constipated, kaya nag-oorasyon! Ha ha ha ha! Kanina pa kaya siya nakakulong sa banyo."

Natawa ng mahina si Uriel sa kanyang narinig.

"Ang takaw niya kasi." pakli pa niya.

Magtatanong sana si Hunter kay Uriel ngunit dumating na si Blade. Halatang nagulat ang huli nang mabungaran niya si Uriel na kausap ni Hunter. Napakagat siya ng pasimple sa kanyang labi at isang nakakalokong ngiti ang isinalubong sa kanya ng archangel.

"Ano Blade? Gaano ka katagal nag-orasyon sa banyo?" nakangiting tanong ni Uriel.

Isang masamang tingin ang ipinukol ni Blade kay Hunter pero nginitian lang siya nito. Lokong lalaki, mukhang itsinismis agad siya kay Uriel.

"Hmf! Hindi ako nag-orasyon!" mariin niyang wika.

"Mamatey...?" nanunuring tanong ni Uriel.

Nanghaba ang nguso ni Blade at pasimpleng nagbaling ng tingin sa kung saan.

"Eh di makilamay ka at magbigay ng abuloy!" yamot na lang niyang sagot.

Dahil sa sinabi ni Blade ay pasimpleng nagtawanan sina Uriel at Hunter.

"Anak na lase!" hindi napigilang wika ni Blade.

Pero bigla din niyang naitikom ng wala sa oras ang kanyang bibig ng makita niya ang matalim na tingin ni Uriel na nagbibigay ng warning sa kanya. Sinapo niya ang kanyang labi. Medyo nadala siya nang gawin siyang ngongo ni Camael at maaari iyong ulitin ni Uriel sa kanya kapag hindi siya naging maingat sa kanyang pananalita.

"Bueno, nandito nga pala ako para magbigay sa inyo ng isang babala." wika na lang ni Uriel.

Napataas ng kanang-kilay si Blade.

"Babala?" bulalas naman ni Hunter.

"Oo, isang babala. Ihanda niyo ang inyong mga sarili dahil mapapasabak kayo ng todo sa isang malaking laban. Isa itong digmaan na binuo ng isa sa Seven Prince of Hell na si Beelzebub. Handa na ang kanyang commander at nalalapit na rin ang paglabas ng kanyang army of demons dito sa mundong ibabaw. At kayo, bilang magagaling na angel soldier, kailangang lumaban para protektahan ang mga tao."

Matagal na natigilan sina Hunter at Blade sa kanilang narinig. Alam nilang si Hydrian ang tinutukoy ni Uriel na commander ni Beelzebub. Kailangan nila itong labanan dahil nagbalik na ito sa dati nitong katauhan. Wala na si Sebastian.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon