47. REUNITED

1.4K 100 24
                                    


                              REUNITED


Nawala bigla ang pagmumuni-muni ni Tomas nang makarinig siya ng tikhim. Napatingin tuloy siya sa kaharap na babae mula sa kabilang selda.

"Mas maganda kung kumilos na tayo, kailangan nating tumakas!" ang matapang na wika ni Blade.

Isang mahina at sarkastikong tawa ang kumawala kay Tomas, bahagya din siyang napailing.

"Sa palagay niyo ba ay hindi ko sinubukang gawin iyan? Wala, mahigpit ang mga bantay nila dito."

Sumabat naman si Lele.

"Tama siya. Saka kung makalabas man tayo dito sa selda, may mga baril ang kalaban. Palagay niyo, may laban tayo doon?" ang wika niya.

Dahil sa mga narinig ay nagkatitigan sina Drake at Blade.

"Abuwisit ak pa! Ikaw na ang mag-umpisa!" ang hudyat ni Drake kay Blade.

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay napahinga ng malalim si Blade. Salitan siyang tumingin kina Lele at Tomas, halatang naghihintay ang mga ito ng kanilang gagawin. Inilislis niya ang manggas ng suot niyang uniform. Muli, huminga siya ng malalim at saka hinawakan ang magkabilang rehas.

"Umatras ka." ang utos niya kay Tomas.

Kunot-noo itong napatitig sa kanyang mukha at wala sa sariling napasunod sa kanyang utos. Ilang sandali pa ay hinila niya palayo sa isa't-isa ang dalawang rehas at parehong napatanga sina Lele at Tomas sa kanya. Umawang ang rehas, puwede nang makadaan ang isang tao. Natutop si Lele ang labi at nasabing...

"Sino ka ba, Ana?!"

Isang nakakalokong ngisi ang namutawi kay Blade.

"Malamang, may nalulon akong bato! Ay wala nga pala. Basta, magtiwala lang kayo sa amin ni Dahlia, kami ang bahala!"

Binalingan niya ng atensyon si Tomas.

"Oh, halika na dito, pumasok ka na sa selda namin. Join the group!" ang utos niya.

Napakurap si Tomas at saka lumusot sa selda. Ilang beses pa niyang sinubukan na ibalik sa dating pagkakaayos ang mga bakal ngunit hindi man lang natinag. Paano nagawa ng isang babae iyon?! Hindi naman ito maskulada. Katamtaman lang ang pangangatawan.

"Paano mo iyon nagawa?!" ang amaze niyang wika.

"Basta nagawa ko na."

Kasunod noon ay hinarap naman ni Blade ang pader at naghanda sa pagsuntok para wasakin iyon. Kaya lang, nang akma na niyang susuntukin ay bigla siyang natigilan. May importanteng bagay siyang naalala.

"Ah teka! May atraso pala sa akin ang mga animal! Iyong balut ko ah lase! Nasayang lang, di ko nakain! Bente na nga lang ang pera ko, hanggang sabaw lang ang natikman ko! Humanda sila sa akin!.." ang gigil na wika ni Blade.

Bigla kasi niyang naalala ang masarap at mainit-init pang balut na kakainin sana niya. Kung bakit kasi ang galing tumayming ng mga kidnappers! Kaagad na lumapit si Blade sa may selda at kagaya nang nauna ay niyupi niya ang mga iyon nang magkalayo. Mas malaki nga ang nagawa niyang daan kaysa doon sa nauna. Bago lumakad palabas ay binalingan niya ang mga kasama ng atensyon pero ang titig niya ay na kay Drake.

"Ikaw na ang bahala sa pagprotekta sa kanila. Ako na ang bahalang sumugod dahil kailangan kong iganti ang nasayang kong balut! Anak na lase! Humanda sa akin ang mga animal!" ang gigil na wika ni Blade.

Pagkatapos noon ay nauna na siyang lumabas ng selda at napasunod naman kaagad ang mga kasama niya.

Samantala... Prenteng kumandong si Therese sa kinakasamang si Aldren. Ngumiti siya dito ng matamis at kunot-noong tumitig sa kanya ang babae.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon