53. Hey, Beautiful!

1.6K 95 24
                                    

                Hey, Beautiful!

"Hay sa wakas!" ang malakas na wika ni Blade.

Pinalagutok niya ang mga buto sa katawan at iginalaw ang mga muscles. Sobrang pagtitiis ang ginawa niya kanina para lang huwag gumalaw. Hindi niya alam kung ilang kagat ng lamok ang kanyang tiniis, maging kagat ng langgam di niya ininda. Sa ngayon ay nasa garden siya, nakabihis na at nagpapahinga. Nakaupo siya sa isang bench na nasa gazebo.

"Sir Blade naman!" ang bungad ni Daisy.

May dala siyang sandwich at juice para kay Blade. Napa-react siya ng ganun dahil nakita niyang nakaupo si Blade sa bench ng nakabukaka. Mabuti sana kung hindi ito nakasuot ng bestida. Napapatingin tuloy dito ang mga napapadaang estudiyante at ilang mga guro.

"Uy Daisy! Di ba sinabi ko naman sayo na tawagin mo ako sa pangalang Ana?" ang napaismid na wika ni Blade.

Tuluyang nilapitan ni Daisy si Blade at naupo sa tabi nito.

"Bakit naman kasi nakabukaka ka diyan?! Umayos ka nga, ang ganda-ganda mo pa namang babae." ang medyo sermon niya.

"Hayaan mo na. Pinapahanginan ko lang, magdamag iyang naipit kanina, kailangang mapreskuhan!"

Pagkatapos ay ipinaypay pa ni Blade ang bestida. Hindi malaman ni Daisy kung tatawa siya o pagagalitan si Blade ngunit sa huli ay natawa siya.

"Isa pa Daisy, ano pang itatago ko? Nakita niyo na ang lahat."

Napangiti si Daisy sa sinabi ni Blade, totoong-totoo iyon.

"Oo nga, nakita na naming lahat at ang ganda-ganda mo. Lahat ba ng anghel, katulad mo? Walang kapintasan?"

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Blade. Tumingin siya kay Daisy.

"Ganda lang ang meron ako, marami din akong kapintasan. Alam mo namang makapal ang mukha ko, buraot, walang preno ang bibig at kung ano-ano pa. Saka wala namang nilikha ang Panginoon na panget. Kayong mga tao lang ang naglagay ng pamantayan na iyan. Bawat nilalang, bawat tao dito sa mundo may ibang klaseng-uri ng kagandahan, walang kapareho. Saka alam mo ba, totoo na sumpa ang kagandahan dahil iyan ang simula ng pinakaunang digmaan, ang naging dahilan ng pagrerebelde ni Lucifer."

"Dahilan ng pagrerebelde?" ang na-amaze na tanong ni Daisy.

"Oo. Nilikha siyang napakaganda at napakaliwanag na anghel. Hindi rin matatawaran ang kanyang lakas, kakayahan at talino. Higit sa lahat, walang katulad ang pisikal niyang anyo. Kaya lang ang naging problema, naging mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Iyong tipo na gusto na niyang siya ang maging Diyos dahil para sa kanya, siya ang nararapat. Unti-unti siyang bumuo ng plano para sa ibang rebelyon, may mga nahikayat siyang anghel at nakabuo ng isang army. Sa pitong demonyo sa impiyerno, si Lucifer ang nanguna sa lahat. Pero sa huli, natalo pa rin siya kasama ng iba pa. Sobrang taas ng tingin ni Lucifer sa kanyang sarili at iyon ang nagpabagsak sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya naipatapon."

Napaisip si Daisy.

"Kung napakaperpekto at napakalakas ni Lucifer, paano siya natalo ni Saint Michael?"

Napangiti si Blade.

"Dahil tuwing lumalaban si Saint Michael, hindi siya nag-iisa. Kasama niya palagi ang Panginoon para bigyan siya ng natatanging lakas at galing. Siya ang pinakamagaling sa lahat ng mandirigmang anghel, hindi natitinag ang kanyang tiwala. Isa pa isipin mo na lang ang ibig sabihin ng pangalan niya. Micha-el-who is like God. Sayang lang, hindi ko nakita ng personal kung paano niya talunin noon si Lucifer. Hayss!"

Napaisip sandali si Daisy dahil tila na-iimagine niya ang mga eksena sa kuwento ni Blade.

"Pero bakit iyong mga nakikita ko sa TV, panget ang itsura ng demonyo? Mala-dragon o halimaw?"

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon