50. Hi and Hello

1.7K 99 16
                                    

                        Hi and Hello

Masayang nag-uusap sina Ana at Ike habang papalabas ng supermarket. Si Zech nga na buhat si Venice ay tila hindi nag-e-exist sa paningin ng dalawa. Napatigil sa pagsasalita si Ana nang makita niya sa malapit si Ziggur. Ngumiti ito sa kanya. Napansin naman ni Ike ang kanyang ikinilos kaya napatingin din ito sa direksyon kung saan siya nakatingin. Nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Ike, naging seryoso ang mood niya lalo pa at lumapit sa kanilang kinaroroonan si Ziggur.

"Awkward..." ang pasimpleng singit ni Zech.

Buhat si Venice ay lumayo muna siya at tumingin ng mabibiling pagkain. Amaze naman na napatitig si Ziggur kina Ana at Ike.

"Bati na kayo?" ang untag niya sa dalawa.

"Ah, Oo. Hindi naman ako talaga galit kay Ike, nagtampo lang. Lumipas na rin." ang sagot ni Ana.

Napabuntung-hininga si Ziggur at saka napangiti, iyong tipo na hindi naman natural. Inilahad niya ang kanan niyang kamay kay Ike.

"Congratulations kung ganoon." ang bati niya.

Napatingin naman si Ike sa nakalahad na kamay ni Ziggur. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya iyon o hindi... Ngunit bilang isang maginoo, tinanggap din lang niya sa huli ang pagbati ni Ziggur. Nang magdaop ang mga palad nila ay naramdaman niya ang mahigpit na pagpisil ni Ziggur sa kamay niya iyong tipo na pinipilipit talaga. Hindi napatinag si Ike, pasimple siyang gumanti kay Ziggur, kitang-kita niya ang pagkagulat nito ng bahagya at pagtiim ng bagang dahil mas madiin ang ginawa niyang pagpilipit. Kaso ay gumanti din ito sa kanya at heto na nga... Matira ang matibay...

"S-Salamat sa pagbati..." ang plastik niyang wika.

Ngumiti ng plastik pabalik si Ziggur, tiim-bagang siya. Halos magkabali-bali na ang kanyang mga ngipin.

"Walang anuman..." ang mas gigil pa niyang wika.

Mariin silang nagkatitigan ni Ike at ramdam na ang tensyon ng kidlat sa kanilang pagitan. Hindi naman malaman ni Ana kung paano sasawayin ang dalawang lalaki dahil para siyang multo na hindi nag-e-exist. Hanggang sa ilang segundo ang lumipas ay nakarinig sila ng ringtone ng isang cellphone. Unang bumitiw si Ziggur, kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Ngumiti kay Ana at saka iwinagayway ang hawak na gadget.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap, Ana. Kapag walang asungot. Bye!" ang paalam pa ni Ziggur.

Hindi naman umimik si Ike ngunit sinipat niya ang kaliwang-kamay. Namula iyon at bumakat doon ang kamay ni Ziggur, tumingin siya dito, hindi pa nakakalayo at panay ang ginagawang pagpaypay ng kanang-kamay sa ere Mukhang quits lang sila. Napangisi siya.

Sinagot naman na ni Ziggur ang tawag nang makalayo siya.

"Hello?" ang bungad niya.

Number lang ang naka-register kaya di niya alam kung sino ang hinayupak na tumatawag.

"It's me, Leviathan. Nasaan ka ngayon?" ang deretsang wika ng nasa kabilang-linya.

Medyo nagulat ng kaunti si Ziggur.

"Nandito ako sa tabi-tabi, baket?"

"Pumunta ka ngayon sa headquarters, may biglaang meeting. Bilisan mo na dahil mainit ang ulo at mas mainit ang ulo ni Mammon..."

"Bakit?"

Nakarinig siya ng mahinang tawa at saka malakas na curse mula kay Mammon. Mukhang naka-loud speaker.

"Malalaman mo rin, pumunta ka na dito." ang makahulugang sagot ni Leviathan.

"Okay!" ang tinatamad niyang sagot.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon