30. Romancing the Devils II

1.7K 129 68
                                    

           Romancing the Devils II


"LEVI!!!... Ibalik mo siya sa akin, walang-hiya ka!!! Come back!!!.." ang malakas na sigaw ni Asmodeus. Gigil na gigil niyang ikinuyom ang mga kamao.

Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga taong umiinom sa itaas na bahagi ng club. Akma siyang tatakbo pababa ng hagdan para habulin si Leviathan at bawiin si Ana pero isang mahalagang bagay ang bigla niyang naalala.

"Kailangan kong masiguro na hindi napuruhan ang pangunahing ugat." ang wika niya.

Pagkatapos noon ay kaagad niyang inalis ng bahagya ang belt ng kanyang pantalon at ibinaba ang zipper. Sinilip niya kung okay ang kanyang 'angry bird and it's eggs.' Napabuga ng hangin si Asmodeus nang makita niyang hindi naman pala napuruhan. Nagsalubong ang mga kilay niya nang maalala niya ang babaing may kagagawan noon.

"Magbabayad ka sa akin ng mahal, Ana! Sisingilin kita sa kasalanan mo kahit na ano ang mangyari!." ang gigil na gigil niyang wika.

Akma na sana niyang isasara ang zipper ng kanyang pantalon pero napatigil siya sa balak gawin nang makita niyang pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid. Yamot siyang napatingin sa mga ito.

"Hoy! Sinabi ko bang makitingin din kayo sa tinitingnan ko?! Mga bastos!" ang napipikong wika ni Asmodeus.

Isinara na nga niya ang zipper ng kanyang pantalon at ini-lock ang belt. Matapos iyon ay patakbo na siyang pumanhik pababa ng hagdan at bahala na kung saan niya susundan si Leviathan.

Samantala... Kanina pa palakad-lakad si Karen sa may terrace garden ng kuwarto ni Rane. Kanina pa niya tinatawagan si Sir Blade para itanong iyong chapter ng report na kailangan niyang gawin para sa subject na history. Dalawang-araw kasi siyang napa-absent dahil nagkaroon siya ng malalang sipon at bahagya pa siyang sininat. Napatingin siya kay Rane na kumagat sa hawak nitong chocolate chip cookie na binake niya.

"Hindi naman sinasagot ni Sir Blade ang tawag ko eh. Nakakainis naman siya. Pati sila kuya Hunter, hindi rin sumasagot. Ano bang pinagkakaabalahan ng mga lalaking iyon?" ang medyo naiiritang wika ni Karen.

Nilunok muna ni Rane ang kinakain niya bago siya magsalita.

"Parang hindi mo naman kilala ang mga lalaking iyon no. Kung busy ang mga iyon, siguradong mayroong kakaibang nangyayari." ang wika niya.

Naalimpungatan naman si Trade mula sa pagkakaidlip. Patamad niyang binuksan ang kabaong niya at naiiritang bumangon. Mula sa basement ay pumanhik siya paitaas ng basement at napakamot siya sa ulo niya dahil mula sa itaas ng bahay ang naririnig niyang ingay. Ringtone ng anime kaya siguradong kay Blade ang cellphone na tumutunog. Napairap siya nang maalala niya ang bago nitong transformation... Mas maganda pa ito ngayon sa kaanyuhang babae pero wala na siyang pakialam. Badtrip siya kaya di siya sumama sa misyon. Pumanhik na siya sa itaas at nagpunta sa kuwarto ni Blade. Bukas naman iyon. Nakita niyang nakalapag sa kama ang cellphone nito at panay ang ring. Patamad niya iyong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hay sa wakas! Nasagot na rin! Sir, saang chapter po ba sa libro natin iyong report na assigment namin?"

"Sorry, Karen... Pero si Trade ito."

Na-stammer si Karen ng ilang segundo.

"Kuya Trade? Bakit ikaw ang sumagot? Kay Sir Blade ang tinatawagan kong number ah?"

Napakamot sa kanyang ilong si Trade.

"Eh wala naman kasi si Blade dito. Umalis silang lahat dahil may misyon sila. Dumating dito kanina sina Saint Raguel at Saint Camael, mayroong spy mission sina Blade sa dalawang Prince of hell... Kaya ayon, ako lang ang mag-isang naiwan dito sa bahay. Si Azrael kasi, naglandi na naman."

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon