39. Night with the Devils II

1.8K 131 38
                                    


                                    Night with the Devil's II

Amaze na napatingin si Hydrian kina Legion at Brach habang umiinom sila ng kape sa may terrace ng kanilang bahay. Kasama din nila doon si Azrael at medyo nagulat siya sa balita na sila ay bagong mga Reaper ng Angel of Death.

"Talagang isa ka nang Daddy ah?" ang wika pa ni Brach.

Napainom ito ng kape at napakagat sa hawak na mammon na may fillings ng ube. Bagay na bagay sa iniinom nilang black coffee. Tatandaan niya ang bakery kung saan ito nabili. Kakaiba kasi ang sarap.

"Oo naman, Daddy na nga ako. At sobrang masaya." ang sagot naman ni Hydrian.

"At mukhang magaling kang mag-alaga." ang napangising wika ni Legion.

Kasalukuyan kasing kalong ni Hydrian si baby Sebastian.

"Aba, hindi lang siya dapat marunong gumawa no." ang singit naman ni Alexa.

Dahil doon ay nagkatawanan sila, nasa sala ito at nakaupo sa pang-isahang sofa na malapit sa kanila. Pagkatapos noon ay nabaling naman ang tingin ni Hydrian kay Azrael. Todo bantay ito kay Jewel.

"Eh ikaw Azrael, kailan ka naman susunod?" ang pagbubukas ni Hydrian.

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. Napainom siya ng kape at saka napatingin sa mga kasama niya na naghihintay ng kanyang sasabihin. Dahil doon ay napahinga siya ng malalim at nabugahan ang kanyang bangs.

"Busy ako eh. Lalo na ngayon, madami ang nangyayaring kalamidad sa mundo. Kahit na sabihing may mga reapers ako eh hindi naman puwede na hindi ako magmanage. Ako pa rin ang kailangang magmando ng kanilang mga gagawin sa mga namayapa. Hindi lang ang pagsusundo ang trabaho kundi maging ang pagbibigay ng comfort sa mga naiwanan plus... Iyong mga hindi makaalis dahil mayroon pang kinakapitan o kaya may unfinished business. Kailangang bantayan ang mga iyon."

Nagkatinginan sina Brach at Legion, naipaliwanag na iyon sa kanila kanina at marami pang kailangang ituro si Azrael. Kaya lang ay bigla namang natawa si Hydrian at saka pasimpleng inihele ang kalong na anak na tahimik lang. Parang matanda na nakikinig sa kanilang usapan. Napapangiti lang si Alexa habang nakatingin sa mga hawak na papeles. Bahagya pa siyang napailing ng mapasulyap sa namumulang mukha ng Angel of Death. Hindi na lang siya nagsalita.

"Huwag ka ngang sinungaling diyan, Azrael. Todo bantay ka nga kay Jewel eh. Malas lang nung magtatangka na manligaw sa kanya, mapapaaga ang sundo ni Kamatayan!" ang natawang wika ni Hydrian.

Napatingin tuloy ang dalawang reaper kay Azrael.

"Jewel, sino iyon?" si Brach.

"Oo nga. May dinedate ka na pala? Kailan pa nagkalove-life si Kamatayan?" ang na-amaze na tanong naman ni Legion.

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. Muli, napahinga siya ng malalim.

"Ahm... Mahabang istorya iyon. Pero maiba ako, ano kaya ang misyon nila Blade ngayong gabi?" ang tanong niya sa dalawa.

"May misyon sina Blade?" ang bulalas naman ni Hydrian.

Napatikhim naman bigla si Brach. Nabaling tuloy ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Teka lang, nauna kaming nagtanong ni Legion. Bago namin sagutin iyang tanong mo eh mauna ka muna na sumagot sa amin." ang pakli nito.

"Tama nga naman." ang sang-ayon ni Legion.

Napangiwi si Azrael at napakamot sa kanyang batok.

"Akala ko pa naman, lusot na ako." ang mahina niyang wika.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon