14. The Puppet

2.1K 123 32
                                    


                                                   The Puppet

"Hay naku, grabe ang nangyari ah? Ang buong-akala ko ay may rumble nang mangyayari, medyo kinabahan ako doon!" ang pakli ni Alexa habang hinihimas niya ang kanyang tiyan.

Kasalukuyan na silang papauwi galing sa gym. Inaalalayan ni Hunter si Hydrian na medyo pipilay-pilay sa paglalakad gawa ng pagpatid dito kanina. Sina Zech at Drake naman ang nakaalalay kay Trade na may pinakamalalang bugbog na natamo sa kanilang lahat.

"Nalase, kinabahan ka Alexa o nabitin ka sa rumble?" ang untag ni Blade dito.

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Alexa.

"Eh parang ganoon na rin kasi inasahan kong mangyayari iyon." ang sagot niya.

"Panay na nga ang awat namin kay ate Alexa kanina sa pagwawala eh. Kaso pasaway, kahit ilang beses na siyang napahinto kasi humilab ang tiyan niya pinaggagawa niya." ang sumbong ni Rane.

"Oo, ang ingay nga ni ate Alexa eh. Lalo na nang sadyaing ipatid si Kuya Hydrian tapos siya pa ang natawagan ng foul. Halos sugurin na nga niya iyong referee kanina eh. Mabuti na lang kaya namin siyang pigilan ni Rane." ang segunda pa ni Daisy.

Napatingin tuloy si Hydrian ng wala sa oras kay Alexa na napangiti ng alanganin.

"Di ba nag-usap na tayong dalawa kagabi na kahit na anong mangyari eh magiging kalmado ka lang?" ang tanong niya.

"Hubby naman! Kahit sino naman eh magagalit sa nangyayaring dayaan. Lalo na iyong ginawa sa'yo. Tingnan mo nga at napilayan ka pa tuloy." ang nagpapalusot na wika ni Alexa.

"Maski na. Kaya namang pagalingin ni Lolo Gusting ang naipit kong ugat. Ikaw lang naman ang inaalala ko." ang sermon pa ni Hydrian.

Naitikom na lang ni Alexa ang kanyang bibig dahil talo na siya. Ibinaling na lang niya ang atensyon sa paligid hanggang sa mapahawak siya sa kanyang tiyan at napasigaw. Naging alerto ang lahat.

"Alexa, bakit?!" ang tarantang tanong ni Creta na katabi niya.

Kaagad na itinuro ni Alexa ang nakita niya kaya siya napasigaw sabay sabing...

"May nagtitinda ng mani. Ibili niyo nga ako!" ang parang bata niyang wika.

Napahinga ang lahat ng maluwag sa kanilang narinig. Ang buong-akala nila ay kung mapapaanak na ito. Sinabihan kasi sila ni Baste na hindi porket sa susunod na linggo ang schedule nito na manganak ay masusunod iyon. Karaniwan ay mas napapaaga pa nga o kung minsan naman ay lumalagpas...

"Oh sige, ibibili kita." ang presinta ni Creta.

Akma siyang lalakad paalis pero mabilis na hinila ni Alexa ang kaliwa niyang braso para pigilan siya. Nagtataka siyang napatingin dito.

"Bakit?" ang hindi napigilang tanong ni Creta.

Mariin itong tumingin sa kanyang mukha.

"Si Blade ang bibili. Basta, siya lang ang bibili para sa akin." ang mariing wika ni Alexa.

Napataas ng kanang-kilay si Blade at saka napatingin kay Sarah na buhat niya at tulog na. Mukhang napagod ito sa pagche-cheer sa kanilang lahat. Tumingin siya kay Alexa na nakangiti ng matamis. Napahinga siya ng marahas.

"Alam mo Alexa, simula nang magbuntis ka... Ako na lang palagi ang trip mong pagdiskitahan! Hindi naman sa nagrereklamo ako ano? Pero nalase, ano bang problema sa akin ng fetus na nasa loob ng tiyan mo ah?!"

Yamot lang na tumingin si Alexa kay Blade. Nauna nang nagpunta sa may nagtitinda ng mani sina Ai, Karen at si Conrad. Ibinibili din sila ng makakain nila.

Sir Blade Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon